Chapter 30 - The do

1.5K 49 7
                                    

Chapter 30

The do

“Haleliluah! Magdiwang mga kapatid,” sigaw ng sigaw si Vinch habang naglalakad sila sa mga pathway. Kasama niya sina Michigan, Rhanna at Waxx na palabas na ng Campus. Kakatapos lang ng kani-kanilang mga final examination kaya’t gano’n nalang makareact ang binata.

Mabilis naman ang pagdapo ng kamay ni Rhanna sa ulo nito at halos mapasubsob pa ang mukha niya sa lupa dahil sa lakas ng pagkakabatok. Natawa nalang sa gilid sina Waxx at Rhanna.

“Sumosobra kana talaga Rhanna!” anito sabay simangot at umayos ng tayo. “If you were not girl—“

“Eh, ano kung hindi ako babae?” pagputol na dalaga sa sinasabi nto.

Mabilis naman ang ginawang pag-iwas ng direksyon ng mata ng binata. “Wala,”

Sakto naman na palabas na sila ng main gate ng makita nila si Lei na kinukulit na naman ni Renz. Gumagawa sila ng eksena sa labas at pinatitinginan na sila ng ibang estudyante dahil sa sobrang lakas ng bibig ng binata.

“Love of my life naman! Tapos na ang first semester tapos hindi mo pa ako nadadate! Tara na kasi!” anito at halos maglupasay sa lupa. Napapangiwi at napapa-iling nalang nga ang assistant ng Doktora sa ginagawa ng binatang nasa harapan niya.

“Hoy panget!” biglaang sigaw ni Vinch kaya’t napatingin ang mga ito sa kanya. “Tigilan mo nga si Lei, malilintikan ako sa pinsan ko nito e!”

“Ang ingay talaga ng bibig ni Vinch, ano?” giit ni Michigan sa mga kasama kaya’t napatango ang dalawa.

Ibinaling ni Vinch ang tingin ng mga ito sa kanila. “Pagtulungan ba daw ako?”

“Oh shitzuuuuuu! Oh, men! Oh men! Oh, men! Seriously?!” biglang nagtitili si Michigan na halos mangisay sa lupa habang nagpipigil ng pagtalon. Nakatingin lang siya sa isang direksyon.

Samantalang kumunot naman ang noo ng tatlo habang tinitignan siya at hindi nila alam kung bakit biglang naging gano’n ang reaksyon.

“Gan, may epilepsy ka ba?” tanong ni Vinch kaya’t napahinto muna ang dalaga sa ginagawa at tinignan ng masama ang kasamahan.

“Gago ba you?” anito at hindi na muling pinansin ang binata. Tumakbo nalang ito palayo sa kanila na tila na-eexcite na hindi mo maipaliwanag. Sinundan nila ito ng tingin habang si Waxx seryosong pinagmamasdan ang bawat galaw ng dalaga at kung saan ito patungo.

“Where’s that weirdo going?” kunot noong tanong ni Rhanna habang nakatuon ang atensyon ni kay Michigan na tumatakbo palayo. Huminto ito sa isang tapat ng isang magarang sasakyan at mula doon bumaba ang isang lalaking may blonde ang buhok kasabay ng pagbaba ni Pauline. Hinihintay niya pa kung anong susunod na gagawin ng dalaga ng biglang tumunog ang telepono niya. Maging sina Waxx at Vinch nadistract dahil sa lakas ng tugtog.

“Sorry,” anito at sinulyapan ang telepono kung sino ang tumatawag. Nagseryoso ang hilatsa ng mukha ng makita kung sino ang caller, mahigpit na hinawakan niya ang telepono at humarap sa mga kasamahan. “I have to take this call,” aniya at lumayo ng kaunti sa kanila at nagpunta sa may sulok na walang masyadong tao.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon