Chapter 31 - Perhaps not today

1.5K 50 3
                                        

Chapter 31

 Perhaps not today

Napabalikwas ng bangon si Rhanna ng maramdaman niya ang kamay na yumayakap sa kanya. Biglang nakaramdam ng pananakit at kirot sa ulo kaya’t hindi niya kaagad naimulat ang kanyang mga mata. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong hininga hanggang sa unti-unti na niyang iminulat ang mga mata dahilan upang makita niya kung anong senaryo ang meron siya.

Napasigaw siya sa paggulat at sa isang iglap bumagsak sa ibabang kama ang lalaking katabi sa higaan na kanina lang ay yumayakap sa kanya. Narinig nito ang pag-ungol at tila nasaktan kung sino man ang konsyo pilato ang naglalakas loob na tabihan siya sa pagtulog.

Napa-upo ang binatang naflying kick pababa ng kama habang iniindi ang sakit na nararamdaman. Tila nabali ang kanyang mga buto at nagising ang diwa dahil sa biglaang pangyayari.

“What the hell did I do?” tanong nito sa sarili habang nakangiwing tinitignan ang dalagang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya mula sa kama.

“What the hell Vinch?!” sigaw ni Rhanna dito habang tinitignan ng masama ang binata. “What are you doing in my room?” anito habang nakaduro pa.

“Malamang natulog, alangan naman nagtumbling ako ‘no!” pabalang na sagot ng binata kaya’t naibato ni Rhanna ang unan na nadampot nito sa kanya. Sinalo naman ‘yon ng binata at inilatag sa sahig at nahiga.

“I’m still sleepy at ang sakit ng ulo ko,” anito at matutulog na sana ngunit binato siya ulit ni Rhanna ng unan kaya’t wala siyang nagawa kundi ang harapin itong muli.

“Ano na naman? Parang awa mo na! Gusto ko pang matulog!” inis na sambit nito ngunit walang epekto kay Rhanna.

“M-may nangyari ba?” biglaang tanong nito at naramdamang namula ang kanyang mukha sa kahihiyan. Napahinto naman si Vinch at tila nag-iisip pagkatapos ay bahagya siyang tumango.

                     

“Yeah, something happened..” anito. “Can I sleep now?”

“What the fuck happened vinch?! Tell me! Hindi ‘to pwede!” sigaw ng dalaga kulang nalang lumabas na ang vocal chords at baga niya. Namumula ang mukha niya sa inis, galit at pagkalito. Gusto na niyang iuntog ang sarili dahil wala siyang maalala. Hindi niya maalala kung anu-anong pinag-gagawa niya kagabi sa bar at dahil na din sa sagot ni Vinch, umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.

“We just got s—“

“Stop that! Ayokong madinig! No, hindi pwede!” pagputol niya sa sinasabi ng binata pagkatapos tinakpan ang magkabilang tenga ng kanyang mga palad at umiiling iling. Hindi niya maimagine ang gustong sabihin ni Vinch. Gusto niya nalang baliin ang leeg ng binata at magwala dahil sa frustration na nararamdaman niya.

Inilibot nalang niya ang paningin sa buong lugar at tila nanigas mula sa kamang kinaroroonan ng marealize niyang hindi niya ito kwarto. Hindi ito sa kanya kaya’t mas lalo itong kinabahan. Makikipag-ano na nga lang siya ng hindi sinasadya sa ibang kwarto pa. Gusto nalang niya tuloy magbigti.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon