Chapter 17 - Tough girls cry too

2K 70 7
                                    

Chapter 17

 Tough girls cry too

“Lei, paano ka ba napunta dito? I mean, taga dito ka ba talaga o hindi? Nasaan ang magulang mo? May kapatid ka ba? Boyfriend?” sunod na sunod na tanong ni Michigan kay Lei habang nakahiga sila sa iisang kama.

Nasa apartment na sila ng assistant ng doktor. Hindi naman ganoon kalaki at hindi din ito ganoon kaliit. Sakto lang para sa isang tao. Kulay bughaw ang mga dingding, may iisang kwarto at banyo. May maliit na sala at kusina.

“Hindi ko alam na sobrang curious ka sa buhay ko?” ngumisi si Lei at niyakap ang unan. “Ano ‘yan Gan, stalker kita?”

“Of course not! In your dreams dude,” sagot niya ng mabilis. “Iniisip ko lang kasi kung... kung may dahilan ka din ba at parte ka ng AX4.”

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Lei at tumagilid ito. Kaya’t nakaharap na ang mukha ni Lei sa kanya, tumagilid din siya upang magkasalubong nga kanilang mukha. May unan sa kanilang gitna kaya’t hindi sila ganoon kalapit sa isa’t isa.

“Can you keep a secret?” tanong ni Lei dito. Biglang umakyat ang kaba sa kanyang dibdib ng sabihin sa kanya ‘yun. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam, natutuwa siya na may halong pangamba. Naguguluhan siya pero nagkusa na ang kanyang bibig at nagsalita ito.

“Oo naman.” Aniya at lumunok. “Are you going to tell me?”

Pumikit si Lei. “Yes, pero baka pagkatapos nito mag-iba na ang tingin mo sa akin pero masasagot ng mga tanong mo sa akin ang sasabihin ko sayo kung bakit ako nandito..”

“Tell me Lei... promise I won’t judge you,” buo ang loob na sambit ni Michigan habang nakatingin ng diretso sa mata ni Lei.

Tinuturing na niya itong kaibigan. Magaan ang loob niya dito kahit na minsan ay tila naiintimidate siya dahil may pagkacold ang ugali niya. Bahagyang ngumiti si Lei sa kanya at ibinuka nito ang bibig.

“I ki---“

Napabalikwas sila ng higa ng tumunog ang cellphone sa gilid ni Lei. Napanguso na lamang si Michigan dahil naudlot ang sasabihin nito. Tinignan siya ni Lei.

“Sagutin ko lang ‘to,” sabay tayo niya at lumabas ng kwarto.

Tinignan nalang ni Michigan ang digital clock ni Lei sa gilid. It’s already 11pm pero hindi pa din siya makatulog, kaya’t kinukulit niya si Lei sa mga bagay bagay. Umupo nalang siya ng tuluyan sa kama at inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng kwarto ni Lei.

May malaking cabinet marahil lagayan ng mga damit nito. Tapos sa tabi noon may isang lamesita, may mga librong nakapatong at laptop. Biglang gumihit sa labi niya ang isang ngiti at mabilis na tumalon sa kama.

Tinungo niya ang palabas sa kwarto at mabilis na tinawag ang kasama.

“Lei, pahiram ng laptop---“ nahinto siya dahil wala naman doon sa sala ang dalaga. Tuluyan niyang inilabas ang katawan sa pintuan at naglakad patungong kusina ngunit wala si Lei. Naglakad pa siya hanggang makarating siya sa labis, may narinig siyang boses. Boses ni Lei, lalapitan na niya sana ito ngunit nagbago ang isip niya ng hindi niya sinasadyang marinig ang sinasabi ng dalaga sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon