xxxx
AX4
THE HOLDAPER
HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Michigan. Mabilis na kinuha ang kanyang bag at isinabit sa kanyang balikat.
Tinignan siya ni Pauline nang may pagtataka.
"Michi, saan ka pupunta? Why are you carrying your bag? Are you gonna fly away?" sunod-sunod na tanong ng kanyang kaibigan.
Binigyan niya ngiti si Pauline. "I'm outta here." At naglakad na patungong pintuan ngunit bigla itong bumukas kaya't napahinto siya at ang taong pumasok.
Nagkatinginan sila, mukha sa mukha, mata sa mata.
Napanganga si Michigan pero kaagad ding binawi at inayos ang kanyang pagkakatayo.
"What are you doing here?" tanong niya na puno ng pagtataka ang tono ng boses.
Napataas ang kilay ang kaharapan. "Show some respect Missy," sagot ng kausap atsaka siya kinindatan.
Napatawa ng bahagya si Michigan. "Okay. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin.
"So, where are you off to? My class haven't started yet," nakataas kilay na tanong nito sa kanya.
"Anong klaseng sinasabi mo? Where's Mr. Santos? Baka nagkamali ka ng pinasukan."
"No, darling. I know what I'm doing," sagot nito. "Mr. Santos is on vacation leave for two months. He's getting married."
Mula sa kinatatayuan nila rinig nila ang iba't ibang bulungan patungkol sa propesor nilang ikakasal na.
"Kaya ka nandito?" tanong ni Michigan. "Jesus! I can't believe this."
Tumango ang kausap. "So, mind telling me where are you going?"
Lumunok siya at ngumisi. "I'm going out!" aniya. "I mean I'm going in," biglang sumilay sa labi ng kausap ang isang ngisi nang marinig ang sinabi ng dalaga.
"Aryt! I'll just lend you some homeworks later," anito at nagsimula nang naglakad papunta sa teacher's desk.
Lumingon si Michigan sa kanya. "Thanks Doc.... I mean Ma'am," pagkatapos ay mabilis niyang tinungo ang labas at gano'n nalang ang pagkabigla niya nang makita sa gilid ng pintuan si Waxx.
Nakasandal ito sa pader habang nakapikit. Pinagtitinginan ng ibang dumadaan ngunit tila hindi nito pansin. Nakasuot ito ng polo ng kanyang college. He's third year. Gulo-gulo ang buhok na sadyang bumabagay sa kanyang mukha. Makinis ang balat at tila nahiyang tumubo ang tigyawat.
"H-Hey..." tila nabulol na bati ni Michigan.
"Kanina pa kita hinihintay," anang binata habang nakapikit pa rin. Bagay na bagay rito ang kilay nitong itim na itim. "Sabi na, hindi mo kami bibiguin, e," sabay dilat at tinignan si Michigan na tila napako sa kinatatayuan. "Thank you..." pagkatapos ay ningitian siya nito.
****
"ANO'NG kaso ang available Lei?" tanong ni Vinch habang naka-upo. Nasa conference room na naman sila ng kanilang base.
Silang apat atsaka ang assistant lang ng Doktora ang nandoon. Tumayo si Lei at inabutan sila ng tig-isang black folder. Sabay-sabay nila itong binuksan.
"Find it yourself," ani Lei at umupo ng muli. Prentang-prentang pinagmamasdan ang apat habang nagbabasa ang mga ito.
"Woah! This is so cool! Spying. Great dude!" hindi na napigilan ni Michigan ang mamangha. Matapos basahin ang nasa loob ng itim na folder na 'yon bigla nalang umalab ang kanyang sistema sa sobrang excitement.
