AX4 II: 2. "Whoever you are, you can run but you can't escape. So, be careful criminal because we will take you down."
"Ano'ng pong nangyayari?" Naguguluhan ang tinig at ekspresyon ni Diane nang makatabi na ang kanyang Ina. "Nay? Ano pong meron?"
"Someone poisoned Karla," sagot ni Rhanna.
Nanlaki ang mata ni Diane sa narinig. Natigilan pa ito nang ilang segundo pagkatapos umiling-iling. Nilingon nito ang kanyang Ina. "N-Nay..."
"And we wonder who poisoned her?" Tanong ni Michigan saka binigyan ng sulyap ang direksyon ng mag-ina. "Though, actually we already have a primary suspect."
"Talaga? Sino?!" Hindi mapigilan ni Mr. Cabrera ang gulat sa kanyang mukha. "Sino ang pumatay sa anak ko?!"
Hinarap ni Waxx ang Ginoo. "We can't tell by now. We need to get solid evidences. But one thing's for sure Mr. Cabrera, the one who poisoned your daughter is here."
"At p'wede ring wala rito," makahulugan na kumento ni Michigan kung kaya't napalingon sa kanya ang kanyang mga kasamahan. Tinanggal ang suot na face mask kung kaya't bumungad sa kanila ang mukha niya.
"Gan," mariin na sambit ni Vinch. "Put it back!"
Hinarap ni Michigan ang kanyang mga kasamahan. Bahagya itong nakangiti.
"Ang init, e. Hassle sa pagsasalita," sambit niya. "But seriously speaking Agents, we don't need to hide our identity. Napag-isip-sip ko 'to kanina-kanina lang. Paano sila maniniwala sa mga deductions natin kung hindi nila tayo kilala?" Nilingon ni Michigan sina Mr. Cabrera. "Hindi man sila nagtatanong, nakikita ko sa mga mata nila na may pagdududa sila sa 'tin. So, I think we need to face them. Literal. Mukha sa mukha. Mata sa mata."
Lihim na napangisi ang kanyang mga kasamahan sa sinabi niya. Nakita ni Michigan na sabay-sabay na tinanggal ng tatlo ang itim na face mask ng mga ito at ang mga suot nilang sumbrero.
"Teka, ang babata niyo pa! Sino ba kayo?" Naguguluhang tanong ni Mr. Cabrera. "Hindi kayo 'yong pinatawag ko!"
"Hindi nga ho kami," sagot ni Vinch sabay kindat sa Ginoo. "Pero kami ang kailangan niyo."
"Bahala na kung masabon tayo ng mga nakatatanda," rinig nilang sambit ni Rhanna. "Sabay-sabay nalang tayong magbanlaw."
Natawa nang bahagya si Waxx at napa-iling sabay lingon kay Mr. Cabrera.
"We were the former Agents of AX4, Sir."
Kumunot ang noo ni Mr. Cabrera. "Were? Former?"
Tumango si Waxx. "Yes, were and former to are and present real quick." Ngumiti ito. "Pakitawag ho ang driver at dalawang security guard nang masagot na namin ang tanong niyo kung sino ang naglason sa anak niyo."
"Kung hindi kayo ang pinatawag ko, mapagkakatiwalaan ba kayo?" Muling tanong ng nagdududang Ginoo. Nakatingin sa mga mukha ng Agents na animo'y sinusuri ang mga ito.
"That's you have to do," sagot ni Rhanna. "Kung hindi niyo kami pagkakatiwalaan, matatagalan bago niyo malaman ang totoong nangyari sa anak niyo."
"Karla hates her," singit ni Gan sabay turo kay Dianne.
Nagulat ito sa pagturo sa kanya ni Michigan. Mabilis na napahawak si Manang Hermina sa anak.
"Hindi niyo 'yon binanggit sa 'min pero alam namin. Do you trust us, now?"
"'Wag mong sabihin na... siya ang naglason sa-"
"Hindi!" Mabilis na sagot ni Dianne sabay ito napahagulgol. "Hindi ko po 'yon ginawa! Ayaw sa 'kin ni Ma'am Karla pero hindi ko 'yon magagawa sa kanya!" Humigpit ang hawak ni Manang Hermina sa kanyang anak. Tila sa pagmamagitan ng paghamplos sa braso nito ay mapapawi ang nararamdaman ni Dianne.