AX4 II: Prologue

1.3K 45 41
                                    



AX4 II.

PROLOGUE

Hindi mapanatag ang loob ng tatlong Agents habang naghihintay sa labas ng operating room. Lubos ang pag-aalala nila sa kanilang kasamahan na ngayo'y nag-a-agaw buhay. Hindi nila maipaliwanag ang takot na nararamdaman. Bawat segundong lumilipas sa kanilang paghihintay lalong sumisikip ang kanilang dibdib sa labis ng kaba.

Halos apat na oras na silang naghihintay na labasin sila ng Doktor para sabihing maayos na ang lahat at wala na silang dapat pang ipag-alala.

"Everything will be fine, right?" Tanong ng isa sa kanila habang palakad-lakad sa harapan ng dalawa pang myembro ng AX4.

Ngunit wala siyang narinig na sagot sa mga kasamahan kung kaya't napahinto siya at tinitigan ang mga ito.

"Ano ba, sagutin niyo ko!"

Ini-angat ng isa ang ulo nito at tinignan siya gamit ang namumugtong mga mata. "I don't know, okay?!"

"Can you please stop fighting?" pagsuway naman ng isa pa. "It won't do any help."

Naramdaman nilang tatlo ang mga paparating na yapak kung kaya't sabay-sabay silang napalingon sa kanang direksyon. Nakita nila na paparating si Alex kasama ang assistant nito. Kasabay nila si Chief Forteza na naka-uniporme pa na inaalalayan ang kanyang kaibigan na si Wexel Abalos na puno ng pasa at sugat sa katawan.

"How's the operation?" Tanong ni Alex.

Napa-iling ang tatlong Agent.

"Hindi pa lumalabas ang Doktor."

Napatango si Alex. "Let's wait for another minute."

****

Mula sa pagzigzag na guhit sa makina na nakakonekta sa pasyenteng nakahiga sa operating table, unti-unting nagiging diretso ang porma nito.

Nagkatinginan ang mga Doktor at Nurse na nagtanggal ng mga tama ng bala sa katawan ng pasyente.

"Doc, humihina po ang pulso ng pasyente," lintanya ng isang Nurse.

"What?" Tanong ng Doktor. "We just got the bullets." Ibinaba nito ang hawak na scalpel at inutsan ang kanyang assistant na kunin ang defibrillator. "I'm ready, you're ready? All set?"

"Yes Doc."

"Charge it 150.."

"Yes Doc."

"160..."

"Yes Doc."

"170..."

"Yes Doc."

"180..."

"Yes Doc."

Sa bawat paglapat ng defibrillator sa dibdib ng pasyente, umaasa ang lahat ng nasa loob ng operating room na rumispondeng muli ang katawan ng taong kanilang sinusubukang iligtas mula sa kamatayan.

"Doc, the patient isn't responding."

Tuloy-tuloy ang diretsong linya sa makina na siyang nagsasabi ng kung ano ang kalagayan ng pasyente. Muling sinabukan ng Doktor ang paggamit ng defibrillator upang bumalik ang tibok ng puso nito ngunit makalipas ang ilang segundo kusa na siyang huminto nang tuluyan ng hindi rumesponde ang katawan ng pasyente.

Umiling ang Doktor sabay tingin sa suot nitong relo.

"Time of death: 11:13 pm."

****

Sabay-sabay na tumayo ang mga taong kanina pa naghihintay sa resulta ng operasyon. Mabilis na lumapit ang tatlong Agents sa Doctor na kakatanggal lamang sa medical mask nito.

"Doc, kumusta po siya? Suscessful po ba ang operasyon?"

"P'wede na po ba namin siyang makita?"

"Natanggal niyo na po ba 'yong mga tama niya ng bala? Okay na po siya 'di ba?"

Sunod-sunod ang mga tanong na binungad nila sa Doktor na dahilan kung bakita hindi ito kaagad nakasagot.

Malalim ang pinakawalan na buntong hininga ng Doktor bago ito nagsalita.

"I'm sorry."

Dalawang salita pa lamang ang binigkas nito ngunit tila pinompyang ang lahat ng naghihintay sa operasyon kanina.

"W-Why... why are sorry?"

"We did everything to save him, natanggal na namin ang mga bala sa katawan niya ngunit mukhang hindi niya kinaya ang lason na humalo sa kanyang dugo." Muling napabuntong hininga ang Doktor na tila nakikisimpatya sa mga nararamdaman nila. "I'm sorry but he's dead."

"N-No..."

"That can't be!"

"Stop the crap! He's not dead!"

END OF PROLOGUE

Note: So, yep, I bring it back. There are some changes, but of course solving cases and hunting criminals will still be in the story. P'wede din kayong magsuggest ng gusto niyong isolve ng ating AX4 Agents.

About the update, no particular date and time.

Looking forward to some feedbacks of yours. I would really appreciate it.

Thank you for reading. God bless us all.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon