Chapter 19 - Snared by

1.8K 63 13
                                        

Chapter 19

Snared by

“Sigurado ka bang lalabanan mo ako? Hindi ako pumapatol sa babae dito sa court pero sa kama pwede pa siguro,” anang isang lalaki na tila nasa bente anyos ang edad. Malaki ang katawan at kitang kita ang mga muscle sa braso dahil nakasando lang ‘to ng puti at tila jersey short. May itsura ngunit halatang hindi matino, sa pananalita palang nito matabil na ang dila.

Ningisian nalang siya ni Rhanna habang nagpapa-ikot ikot sila sa apat sa sulok ng court. Nakatali ang kanyang kulot na buhok pagkatapos ay naka-sleeveless na kulay itim at fitted na short na kulay itim din.

Nakahanda na din ang kanyang kamaong nakabalot sa puting tela para sa magiging match nila ng lalaking kasama sa loob ng tila boxing ring. Para lang siyang nagsasayaw sa paglagaw ng kanyang mga paa sa sahig ng ring. Hindi bakas sa mukha niya ang kaba o takot, tila para pa itong na-eexcite sa gagawin.

Ang mga manunuod naman ay naghihiyawan at sinisigaw ang kanilang pusta. Karamihan ay para doon sa kalaban ni Rhanna na lalaki, halos lahat ng manunuod o ang mga nasa Hillground City ay puro kalalakihan. Mukha silang mga feeling gangster dahil sa mga porma nila. Mabibilang lang ang kababaihan na makikita, ang iba pa ay nagsisilbing round girl sa bawat match.

Ang match na dito ay umaabot lang ng limang round, hindi nila ganoon pinapahaba dahil marami pang nakaline-up na laban.

“Oh, ano bakit hindi ka nagsasalita miss? Napipi ka na ba sa takot sa akin? Kung ako sayo, magbaback-out na ako.” Pang-aasar na nung lalaki pagkatapos ay sinugod ni Rhanna ng suntok ngunit mabilis na inilag nito ang kanyang ulo at binigyan niya ng suntok sa tagiliran ang kalaban.

Lalong nagwala ang mga manunuod dahil doon, kung kanina maingay sila hindi pa man nagbabakbakan ang dalawa ngayon mas lalong silang nag-ingay. Sumisigaw sila ng sabay sabay kaya’t halos hindi na sila magka-intindihan.

“Don’t you talk to me like you already predicted that you’ll going to win this game,” giit ni Rhanna ng magkalayo ulit siya at nag-iikot na naman muli. “Baka mapahiya ka lang, oo babae ako... Eh, ano naman ngayon? Kumpara sa akin, alikabok ka lang..” pagkatapos ay ngumisi ito sa kalaban na siya naman ikina-init ng ulo nito.

“Ang tabil ng dila mo ah! Hindi ka mananalo sakin, babae ka lang!” sabay sugod muli kay Rhanna ng mga suntok ngunit gaya kanina naka-ilag ito. Sumuntok muli ang kalaban sa kanyang kanan kaya’t mabilis na inilagay nito ang ulo sa kaliwa pagkatapos ay doon niya muling binanatan ng suntok ang lalaki.

Sunod sunod ‘yun, kahit mabilis ramdam ng manunuod na masakit ‘yun dahil halos hindi na makalaban sa kanya ang lalaki. Napasandal pa ito sa gilid ng ring kaya’t hindi na pinalampas ni Rhanna ang pagkakataong ‘yun.

Pinupuntirya niya ang mukha nito, kitang kita niya ang dugo mula sa gilid ng mata at sa pumutok na labi ng kalaban ngunit patuloy pa din ang pagdapo ng kamo niya sa mukha ng kalaban. Sa bawat suntok na pinapakawalan niya, tila gumagaan ang pakiramdam niya.

Oo, dahil lang sa sama ng loob at sa mga hinanakit na tinatago sa kanya puso kaya siya napunta dito sa Hillground City. Kahit alam niyang illegal, hindi na siya nagpa-awat pa sa sarili. Gusto niya lang ilabas ang tinatagong galit sa ibang paraan, gusto niya lang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil kung hindi niya gagawin ‘yun baka sumabog nalang siya bigla.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon