Chapter 21
Heart Attack
“Rhanna... Rhanna, wake up!” tinapik ng binata ang pisngi ng dalaga. Hindi nito alam kung bakit bigla nalang itong nakatulog matapos inumin ang biniling C2 sa grocery store kanina na malapit sa Airport. Tinignan nito ang kanyang relo at mag-aalas syete na ng umaga. Malapit ng lumapag ang eroplano ng mga pamangkin ni Mr. Cortez. Naka park ang sasakyan nila malapit sa sundo ng mga taong ililigtas.
“Hmm....” rinig niyang sambit ng dalaga pagkatapos ay unti unting idinilat ang mata. Kumurap kurap pa ito at biglang ngumiti. “Nasa langit na ba ako? Bakit ang gwapo namang anghel nito? Hindi lang marunong magsuklay,” aniya na tila wala pa sa sarili.
Hindi naman mapigilan ni Waxx ang mapangiti sa sinabi nito. Halos matawa na nga siya habang namumula ang mukha.
“Rhanna, hindi ito oras ng---“ Hindi na natuloy ng binata ang kanyang sinasabi ng bigla siyang hilahin sa kwelyo ng dalaga at mabilis na inilapit ang labi nito sa labi niya. Nanlalaki ang mata niya, hindi siya makapagsalita habang magkalapat ang labi nilang dalawa.
Siya na ang nagkusang maglayo kahit na may gulat at pagkabigla pa ding nararamdaman. Tumalikod ito mula sa dalaga at nagbalik sa driver’s seat. “What the heck was that?” bulong niya sa sarili at humingang malalim.
Tinignan nalang niya ang kanyang relo at trenta minutos nalang lalapag na ang eroplano. Pumikit siya at humingang muli ng malalim pagkatapos ay binalikan niya ng tingin ang dalaga.
Gising na talaga ito at nag-aayos ng damit na nalukot dahil sa pagkakahiga niya kanina. “Oh, Waxxy boy! Anong oras na? Hindi pa ba sila nakababa?” tanong niya na tila walang nangyari kanina.
Hindi kaagad nakapagsalita si Waxx. “H-ha?” aniya. “Malapit na,” sabay iwas ng kanyang tingin. Kumunot ang noo ni Rhanna sa inasta nito. Napabulong nalang siya sa kanyang sarili. “Weirdo,”
Binuksan ng dalaga ang pintuan ng van na pinakuha nila kay Vinch pagkatapos ay bumaba na ito. Nag-unat unat siya ng katawan. “Waxx, dito ka lang ah? Rest room lang ako..” aniya. Hindi naman sumagot si Waxx bagkus ay tumango lang ito kaya’t naglakad ni si Michigan papasok ng Airport.
Pagkatapak na pagkapak palang niya sa loob, nagulat siya ng bigla nalang may nagbuga sa kanya ng apoy. Buti nalang naka-iwas siya. Tinignan niya ang buong paligid, nagkakagulo na sa loob. Ang mga tao hindi magkanda-ugaga kung saan tatakbo at hihingi ng tulong. Nagisisgawan na ang lahat ang iba naman ay umiiyak na.
Tinignan niya kung saan nang-gagaling ‘yung apoy na bigla nalang siyang inatake. Nanlaki ang kanyang mata ng makakita ng napakalaking dragon sa hindi kalayuan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba ng dumapo ang tingin ng Dragon sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin. Natakot siya lalo ng makitang palapit na sa kanya ito. Hindi na niya kinaya ang tensyon at takot. Napahawak siya sa kanyang dibdib, tila nawawalan ng hininga.
At sa isang iglap, inatake siya sa puso...
At namatay. Kawawang Rhanna,
The end.
End of Chapter 21
Hep! Bago ka mag-react at bago ako patayin ni Rhanna. May sasabihin muna ako. HAHAHAHAHA. HINDI TOTOO ITONG CHAPTER NA 'TO. JUK ONLI. JUK ONLI. JUK ONLI. Ang totoong Chapter 21, hindi ko alam kung kailan ko mapopost, meron akong midterm bukas at sa susunod na linggo kaya kailangan magreview. Itong chapter na 'to katuwaan lang. Once again, hindi totoo. Abangan ang totoong Chapter 21. Aryt? Lubyu! Btw, regalo ko 'to kay Rhanna dahil day off niya ngayon. Bwahahahaha. Hiiii, baekzeng. :P
Mahilig sa Katol Party kasama ang mga lamok,
-Lorren
