Chapter 28 - Bomb hunting

1.5K 54 9
                                        

Chapter 28

 Bomb hunting

Ibinigay nila ang hawak na invitation sa nagbabantay sa may pintuan, ningitian nila ito pagkatapos ay sunod sunod na pumasok sa loob, ngunit nahinto sila ng may biglang lumabas kasabay ng pagpasok nila. Isang lalaki na tila na bente pataas ang edad, hindi nalang nila pinansin at tuluyan ng pumasok habang tinatapakan ang red carpet na bumungad sa kanila.

Bilugan ang mga lamesa na mayroong kulay bughaw na mantel na nakapatong sa ibabaw nito. Sa gilid ang buffet at mayroon pang kasamang mini chocolate fountain, at ang isang white cake na may apat na layer. Maraming mesa ang nakalagay at tila madaming dadalo para sa debut na ito.

May nakalagay sa harapan na malaking screen, habang nagpaplay ang video ng debutante habang naglalakad ito sa isang hardin na may nag-gagandahang mga bulaklak. May musika din na kasabay upang maging mas maganda hindi lang sa paningin pati na din sa pandinig.

Natigilan naman si Rhanna sa pag-iikot ng kanyang mata ng maging pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Iniisip kong saan ito nakita hanggang sa kumunot ang kanyang noo at tinuro ang malaking screen.

“That girl, diba siya ‘yung naka-away ko sa pathway?” tanong niya kay Michigan. Ngumiti lang ang dalaga sa kanya kaya’t nakakompirma niya ang hinala. “Seriously? Bakit siya pa?!” inis na dugtong niya.

“Walang personalan Rhanna,” natatawang sambit ni Vinch habang inilalabas ang mga recording device na kanina niya pa tinatago. Maliit lang ito kaya’t madaling dalhin. “Guys, let’s do our job!” aniya sa mga kasama at naglakad na siya patungo sa isang direksyon.

Sila palang namang tatlo ang naroroon, kasama ng ibang nag-aayos sa debut. May mga waiter at crew na hindi magkanda-ugaga sa paglalagay ng gagamitin para sa okasyon na ito. Isang oras nalang kasi mula ngayon magsisidatingin na ang mga bisita.

Naghiwalay na din ng pwesto ang dalawang dalaga habang hawak sa mga kamay nila recording device na hindi ordinaryo. Ipinewesto nila ito sa magkaka-ibang lugar upang ma-maintain at makontrol nila ang mga mangyayari. In-on na din nila ang wireless na headset upang marinig ang kung ano mang makukuha sa recording device na ‘yun. Tila dahil sa bagay na ‘yun, may tenga sila sa lahat ng sulok ng lugar.

“Hello, nandito ako sa backdoor. May nakita akong isang pinto na tila isang monitoring room, pakicheck nga kung mayroong mga camera na nagkalat dyan..” mahinang sambit ni Vinch sa kanila.

Pareho naman inilibot ng dalawang dalaga ang mga paningin sa kisame, kahit nasa magka-ibang direksyon ay sabay nilang ginagawa ang kanilang mga trabaho.

“Copy,” sabay na sambit ng dalawa.

“Meron sa left side, dalawa...” sagot ni Michigan ng masulyapan ang mga cctv camera.

“Meron din dito sa kanan, pati sa gitna..” giit ni Rhanna at pasimpleng tumingin sa mga ito.

“Aryt! Ako ng bahala,” sambit ni Vinch at kinatok ang pintuan ng monitoring room ngunit nakalock ito na siyang ipinagtaka niya. Kahit anong ikot niya sa siradura ng pinto ay hindi niya mabuksan. Napatingin naman siya sa dumaan na crew na may hawak na mga babasaging baso, ilalagay niya siguro sa labas.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon