Chapter 18 - The trouble

1.9K 70 11
                                        

Chapter 18

The trouble

“Did you see Rhanna?” Napatingin si Michigan sa nagtanong sa kanya. Nasa may corridor siya at tila may malalim na iniisip. Hindi pa din matanggap ng sistema niya ang sinabi ni Rhanna kanina. Pagkatapos niyang sabihin na ampon lang ito sa kanya atsaka naman siya pinagtulakan palabas. Umalis nalang din siya kahit ayaw niya pero sa tingin niya kailangan mapag-isa ng dalaga sa mga oras na ‘to.

“Yes but I don’t know kung nasaan na siya ngayon. And I guess, it’s better if you’ll stop searching for her now, she needs to be alone.” Sagot nito kay Waxx at bahagyang ngumiti. Aalis na sana ito ngunit hinila siya ni Waxx pabalik.

“I understand,” aniya. “By the way, Vinch told me what happened yesterday. And I bet, he’s just concerned about you, talk to him..”

Iniwaksi naman ni Michigan ang kamay ni Waxx na nasa braso niya. “Yeah right!” sabay irap at umalis. Parang mas lalo lang siyang nainis kay Vinch dahil sinabi niya pa kay Waxx yung ikinasama niya ng loob. Parang humingi pa ito ng simpatya sa ibang tao at siya yung nagmumukhang masama. Yung tipong pakiramdam niya pinagtutulungan siya ng mga tao.

Naglakad nalang siya papasok sa loob ng department niya at sa susunod niyang klase. Wala si Pauline ngayon at hindi niya alam kung nasaan yung babaeng ‘yun. Ang sabi nito next week siya mawawala pero parang ngayong nag-umpisa yung next week na sinasabi niya. At isa pa, ang labo lang talaga ng kaibigan niya dahil final examination na nila ang susunod na linggo.

Pagkarating niya sa loob ng classroom. Wala pang masyadong tao kaya’t nagkaroon na naman siya ng konting katahimikan.

“Michigan!” bigla nalang may tumapik sa braso niya kaya’t napa-aray siya ng wala sa oras. Sa lahat ba naman ng tatapikin sa kanya braso niya pang may sugat.

“What the fuck?! Problema?” sigaw niya at tumingin sa kung sino man yung taong tumapik sa kanya. Inis niyang tinignan ito. Bigla naman napa-urong yung kaklase niyang tila natakot ata sa mga tingin na binibigay nito.


“S-sorry... A-ano kasi, may nagpapabigay sayo nito oh,” sabay lahad ng kamay niyang tila may card. Inis naman niyang kinuha ‘yun at hindi na nagpasalamat. Ikaw ba naman tapikin sa sugat mo magpapasalamat ka pa? Ano siya hilo? Tinignan niya muna ‘yung sugat niya na may benda, pakiramdam niya nagdurugo ‘yun. Buti nalang nakatakip yung mang-gas ng damit niya kaya’t hindi nakikita.

Pagkatapos ay ibinaling na ang atensyon niya sa card na binigay sa kanya. Simple lang naman ‘yun. May design na kulay pink at may bulaklak sa gilid na design, nang buksan na niya nakita niya kaagad ang pangalan niya.

Dear Michigan,

Patawarin mo na ako. Bati na tayo, please! Lilibre kita may madaming madaming..... Teka, ano bang gusto mo? Sabihin mo sa akin, dali! Atsaka, sorry na. Hindi ko talaga sinasadya ‘yung mga nasabi ko. Dala lang ng bugso ng damdamin. Basta, nag-aalala lang talaga ako sayo kapahon kaya ganoon nalang bigla. Ginawa ‘ko to kasi hindi mo naman ako kinaka-usap at hindi ka naman nakikinig sa akin kaya ayan, sinulat ko nalang kahit na ang pangit ng sulat ko. Sana kapag nabasa mo ‘to, bati na tayo. <33

 Singkit na pogi,

Vinch Chua

Hindi niya namalayan nakangiti na pala siya. Itinago niya ‘yung card sa bag niya at sakto namang dumating ‘yung Prof nila. Nabigla pa nga ito dahil nandito na nga siya kaagad dahil ang usapan, dalawang araw siyang mawawala. Ngumiti nalang ‘to sa kanya at nakinig sa mga itinuturo.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon