Note: Totally revised book 2. Sa mga nakabasa nung mga nauna kong pinost na chapters ng book 2, kalimutan niyo na lang yun. Kasiiii iba na 'to. Mehehe. Thanks! <3
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AX4 II: 1. "We never gave up AX4, did we?"
"Can we really do this?" Tanong ni Michigan sa kanyang mga kasamahan. "Patay ako kay Papa kapag nalaman niya 'to."
"The question is, do you have the guts to do this?" Tanong pabalik ni Rhanna.
Napakagat si Michigan ng kanyang ibabang labi sabay lapat ng tingin sa folder na kinuha niya nang palihim sa opisina ng kanyang Ama. Pinapalibutan nila ang parisukat na mesa. Magkatapat ang dalawang babaeng Agent, at sina Waxx at Vinch naman ang magkaharap.
"Yes." May pag-a-alinlangan ngunit buo niyang sagot.
Ngumisi si Rhanna. "Then, welcome back to us." Saka inilahad ang dalawang kamay.
"Paano kapag nalaman ni Doc Ganda 'to?" Tanong ni Vinch. Tila may pag-a-alinlangan din. "Should we run for our lives in advanced?"
"Sooner or later, she'll know about this," sagot ni Waxx na prenta lamang ang pagkaka-upo. "Kaya 'wag na lang muna nating problemahin 'yon. Our main goal is to solve that case."
"What if we failed?"
Inilagay ni Waxx ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa bago sumagot...
"We're going to die two times."
****
"May isa pa tayong problema," biglang sambit ni Vinch nang nasa loob na sila ng sasakyan ni Waxx.
"And that is?" Tanong ni Rhanna na bahagyang nakataas ang isang kilay.
"We don't have any authority anymore. Kapag pumunta tayo sa crime scene, paaalisin lang tayo ng mga pulis."
"Yes," sagot ni Waxx. "Pero depende 'yon."
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Michigan.
"It's either, uunahan natin sila or we're going to put a show," bulaslas ni Waxx at kinindatan ang mga kasamahan. "I bet, Chief Forteza haven't read about this case base sa sinabi ni Michigan na kakalagay lang ng folder na 'yan sa mesa ng Tatay niya bago niya kinuha." Hinarap niya si Michigan na nasa likuran ng shot-gun seat. "Am I right?"
Mabilis na tumango si Michigan.
"At kung may mga pulis man na nando'n, all we have to do is to act; as if we still possess the authority to interfere in their biz." Pagpapatuloy pa ni Waxx.
"Then, let's get it on!" Sabay suntok sa ere ni Vinch. Hindi maitago sa binata ang excitement na kanyang nararamdaman.
"If they don't want us anymore, then let's do something that would make them want us. Again." Lintanya ni Rhanna. "Sana lang 'di tayo pumalpak. Its been awhile since our last case."