Chapter 33
Agency's matter
“Wala pa din!” wika ni Michigan mula sa loob ng kwarto ng bata. Kinuha na ang katawan nito at kasalukuyang ina-alam kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito. Hindi na din sila nagsayang pa ng oras sa paghahanap ng katawan ng yaya na hinihinala nilang pumatay sa bata. Nasa iba’t ibang parte sila ng bahay habang nakasuot sa kanila ang wireless na headphone upang magkarinigan.
Hinalughog na ng dalaga ang buong kwarto ngunit wala talaga siyang nakita. Pinagbubuksan na ang mga cabinet at halos itumba na niya ang kwarto ngunit hindi niya talaga makita ang katawan ni Imelda.
“Negative,” rinig niyang sambit ni Rhanna na nasa kwarto ni Imelda.
“Same here,” giit din ni Vinch na siyang nasa kusina naman. Pinagbubuklat na nito ang refregirator ngunit wala siyang ibang nakita kundi ang mga malalamig na pagkain, kumurot pa nga ito sa roasted chicken na nasa loob sabay kuha ng maliit na c2, madali niya itong binuksan at ininom. “Nagugutom na ako,” bulong niya sa sarili pagkatapos ay napagdesisyonan na puntahan na ang mga kasama.
“Guys, positive...” rinig nilang tatlo na sambit ni Waxx habang may kanya kanyang ginagawa. Isinantabi ng mga ito ang mga ginagawa at naglakad na papasok sa kwarto nang nanay ng bata. Naisipan na ni Waxx na dito niya matatagpuan ang bata at hindi nga siya nagkamali.
Nakita niyang nakabulagta sa may sahig malapit sa maliit na study table si Imelda. May hawak pa itong maliit na lalagyan ng kung anong gamot na malapit ng dumulas sa kanyang kamay. Nilapitan ito ni Waxx at mabilis na kinuhanan ng litrato.
Pumasok naman ang tatlo at hindi na nabigla ng makitang may babaeng nakahandusay sa may sahig. Napangisi nalang si Rhanna samantalang si Vinch naman ay ibinaba sa tabi ang hawak na plastic bottle na pinag-inuman nito ng C2 kani-kanina.
“Finally,” ani Rhanna habang pinagmamasadan ang katawan ng babae. Hindi pa ito gano’n katanda, mga nasa trenta anyos pa lamang ito.
Samantalang iniikot naman ni Michigan ang paningin sa buong lugar sabay lapit sa malaking salamin sa may gilid ng mapansin niyang may nakasulat dito ng kung ano.
“Ilalayo ko saiyo ang anak mo, hindi mo na siya masasaktan. Magiging masaya na kami,” binasa niya ang nakasulat sa may salamin gamit ang pulang lipstick. Kumunot ang noo ni Vinch at nilapitan nila ito. Kinuhanan na din ni Wax ng litraro ang bagay na ‘yon.
“I don’t get it,” bulaslas ni Vinch habang hindi pa din maalis alis ang pagkunot ng kanyang noo. Hinarap niya ang mga kasama na may ekspresyon na naguguluhan. “Why did she killed herself?” tanong nito. Hindi naman niya kasi nabasa ang diary ng bata kaya’t medyo naguguluhan siya. Maging si Rhanna may mga katanungan din sa kanyang isip.
“Dahil gusto niyang makasama ‘yong bata,” sagot ni Michigan sa tanong ng binata.
“But she killed the child,” sambit naman ni Rhanna kaya’t tumango ang dalaga.
This time, it’s Waxx who answered. “She wanted to protect the kid from his mother,”
