Chapter 7 - The story telling

2.1K 94 24
                                        

xxxx

AX4

THE STORY TELLING

"SO, sabihin mo sa 'min kung ano'ng nakita mo para matapos na 'tong kaso na 'to dahil marami pang nakafollow up." Tila naiinip na giit ni Rhanna kay Michigan. Nasa isang silid sila na tila interrogation room at pinapalibutan nilang lahat ang dalaga.

Halata kay Michigan na hindi niya alam ang gagawin niya. Tila nanliliit ito mula sa pagkaka-upo dahil sa mga tingin na ibinibigay ng mga kasama sa silid na 'yon. Hindi niya yata kayang sabihin sa kanila ang nakita niya kanina dahil maging siya hindi niya inaasahang gano'n katindi pala ang pinagdaanan ng kaklaseng niyang si Margo. Hindi man niya nahalata sa araw-araw na nakakasama niya ito, may mabigat palang problemang dinadala. Lahat ng ngiti na ipinapakita sa kanila ni Margo mabilis na nagpaflash sa utak niya at nabubura rin kaagad dahil sa sinapit nito.

Nanginginig pa rin ang katawan niya at sobrang bilis ng pagpintig ng kanyang puso. Hindi siya mapalagay. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagkukwento ng kanyang mga nakita. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan kaya't nahihirapan na ibuka ang bibig.

"Guys, hindi niyo siya kailangang madaliin. Sasabihin niya naman talaga, e," biglang sabat ni Lei na nasa gilid ni Michigan. Naiintindihan kasi nito ang kalagayan ng dalaga. Masyadong pre-pressure at isa pa bago lang sa kanya ang lahat kaya't hindi gano'n kadali ang sitwasyon niya.

"Tama si Lei," giit ni Alex at binigyan ng sulyap ang kanyang assistant. "Wag niyong ipressure si Michigan dahil ngayon lang niya gagawin 'to."

"Fine," mahinang sambit ni Rhanna at inintindi nalang ang pinagdadaanan ni Michigan.

Lumapit naman si Vinch kay Michigan at hinawakan ang dalawang balikat. "Gan, tumingin ka sakin. Sabihin mo lang kung ano'ng nakita mo bago namatay si Margo, lahat-lahat para matulungan natin ang kaibigan mo. Maaring hindi lang kasing simpleng suicide 'to baka nagkaroon ng foul play," mahinahon na pakiusap ng binata.

Tinitigan lang siya ni Michigan.

Nabigla naman ang binata ng inakbayan siya ni Waxx. "Sabing wag madaliin, tapos tinanong mo naman ulit! Vinch nasaan ang utak?" may halong pagbibiro ang boses nito habang inilalayo ng kaunti ang kaibigan.

Samantalang napangiti naman nang palihim si Lei habang pinagmamasdan ang ginawa kanina ng binata.

"Chua's are really cool," mahina nitong sambit sa kanyang sarili.

"N-Nagpakamatay talaga si Margo..." nabaling ang atensyon nila kay Michigan nang magsalita siyang bigla. Pinagmamasdan lang siyang maigi habang nagsisimula ng magkwento.

Ipinikit ni Michigan ang kanyang mata at nagtuloy sa kanyang sinasabi.

Bago namatay ang kanyang kaklase tahimik itong nakahiga sa kama ng kanyang kwarto at mahinang umiiyak habang hawak nito ang kanyang cellphone na walang tigil ang pagtetext at pagtawag ng kanyang nobyo - si Joe.

Inaakusahan siya nitong may ibang lalaki kahit na wala naman talaga at sobrang tapat siya rito. Hindi nalang niya sinagot ang mga huling tawag at text sa kanya ni Joe kaya't lalo itong nagalit at nagdesisyon na pupuntahan nalang siya nito.

Pasado alas nwebe na no'n nang may biglang kumatok sa bintana ng kanyang kwarto. No'ng una natakot siya dahil akala niya magnanakaw pero nang sumigaw ito napag-alaman niyang boyfriend niya pala. Kaya't dali-dali niyang binuksan ang bintana.

Bumungad ang isang malutong na sampal sa kanyang pisngi na nagmumula sa kanyang nobyo. Napahawak siya sa kanyang pisngi sa sakit habang nagtatanong ang kanyang mga mata.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon