xxxx
AX4
WAY OF HAVING NO CHOICE
"MEDYO may katigasan ho ang ulo ng anak niyo," bulaslas ni Rhanna na may halong pagbibiro. Magkausap na sila ngayon ni Chief Fortez pagka-alis ni Michigan kani-kanina lang.
Bahagyang napangisi ang Hepe, "She doesn't know a thing," anito habang pinagmamasdan ang mga tauhan na abala sa crime scene.
Bahagyang napatango si Rhanna. Hindi na ito nagulat sa sinabi ng Hepe sa kanya. Halata naman na walang alam si Michigan kung kaya't gano'n na lamang ang inasta ng babae sa harapan niya kanina, bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkalito.
And one more thing, Rhanna will know if the person's infront of her is lying or not. Mahirap ipaliwanag ngunit 'yon ang kanyang kakaibang kakayahan. 'Yon ang kakaibang kakayahan na nanunuot sa kanyang pagkatao, mula sa loob ng kanyang katawan hanggang sa panlabas niyang anyo, hindi na 'yon bago. Wala siyang ibang nararamdaman, basta alam niya ang kung ano ang kasinungalingan sa mga lumalabas sa bibig ng sino mang kausap.
And, that fact—she hates it. That's why she's doing her job, baka kasaling makonsenya ang namumuno sa AX4 o kaya ibigay na reward ang pagbabalik sa dati ng kanilang buhay, ng kanilang pagkatao upang mamuhay ng ukol sa gusto nila.
Ipinilig ni Rhanna ang kanyang ulo, bumuntong hininga at tumingin nang diretso sa mata ng kausap, "Then, let me tell her everything."
Hindi niya inaasahan na iiling ang Hepe sa kanyang sinabi. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya nagustuhan ang reaksyon na 'yon.
"Not now. My daughter is not yet ready," giit ng Hepe.
Napangisi si Rhanna nang mapakla, "Siya ba ang hindi handa o ikaw?" tanong niya at pinipigilan ang inis sa kanyang tono. "Mawalang galang na ho, ikaw ang naglagay sa sitwasyon niya ngayon. May pagkakataon pa upang maging normal sa amin ang lahat, gaya ko, hindi niya 'yon kagustuhan, kung kaya't hindi ko makuha kung bakit ganyan ka? Kung bakit ayaw mo? O baka naman... natatakot ka? Natatakot kang kamukhian ka niya dahil sa pagpayag mong pag-eksperimentuhan siya noon?"
Malalim ang pinakawalang paghinga ng Hepe. Hindi alam ni Michael kung matutuwa ba siya dahil sa katotohanan na sinabi sa kanya ng babaeng kaharap, o magagalit dahil 'yon ang totoo.
Hindi kaagad siya nakapagsalita kung kaya't nagsalita muli si Rhanna.
"Truth hurts, e?" may halong pagbibirong sambit nito. "Chief, may pag-asa pa. Alam ko sa dulo nito kapag maayos na ang lahat, kapag napatunayan na ni Alex ang gusto niyang patunayan, ibabalik niya ang buhay namin sa normal. Ibabalik niya ang kalayaan namin na kinuha nila sa 'min."
Mabibigat ang mga salitang binitawan ni Rhanna. At kahit na gano'n, nakukuha ng Hepe kung ano'ng ibig sabihin ng babaeng kaharap, kung kaya't wala na siyang nagawa pa.
"You're a smart kid and an optimistic one."
Mabilis na tumugon ang babae, "Chief," mapagkumbaba niyang sambit. Rhanna has to be calm. She has to control her temper kahit medyo nababagot na siya. "We badly need your daughter."
Muling nagpakawala ng isang buntong hininga ang Hepe bago sumagot, "Fine, but you have to do me a favor Agent X94."
Walang pag-aalinlangang tumango ang babaeng agent, "Anything Sir. Anything."
****
NAPAHINTO sa paglalakad si Michigan nang may tumawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito at nakita ang kanyang matalik na kaibigang si—Pauline. Nakangiti sa kanya. Ngiti na abot hanggang tenga habang patakbong lumapit sa kanya.
