Chapter 23 - Like a warrior

1.7K 59 3
                                        

Chapter 23 

Like a warrior

Akmang kukunin na sana ng dalawang mama ang magkapatid ng biglang sinapa ng driver ang lalaking malapit sa kanya sabay baril sa mga paa ng mga kasamahan nito. Mabilis ang pangyayari, mabilis ang pag-galaw ng driver ng mga pamangkin ni Mr. Cortez. Bahagyang nawala ang takot sa dibdib ng dalawa ng makitang nakahandusay na ang mga kumukuha sa kanila.

Tinanggal naman ng driver ang suot na puting sumbrero na siyang ikinalaglag ng kanyang buhok na itim na kulot sa dulo pagkatapos ay mabilis na sinara ang pintuan at pinaharurot ang sasakyan bago pa man sila sugurin ng putok ng baril ng ibang kasamahan ng mga lalaking binaril niya kanina.

“Ako ang nauna, maghanap sila ng ibang makikidnap!” aniya sabay tingin sa mga dalawang nasa likod. Gulat naman ang mga ‘to ng makitang isang babae pala ang akala nilang si Manong. Nakasuot kasi ‘to ng polo pagkatapos ay takip na takip ang mukha kanina dahil sa sumbrerong suot.

“Okay lang kayo diyan?” tanong niya sa mga ito.

Humiwalay ng yakap si Nej kay Russel at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. “W-wait, bakit naging babae si Manong?”

Naguguluhan namang tinignan ni Russel ang kanyang kapatid pagkatapos ay doon sa driver. “I-I don’t know either!” aniya. “Who are you Miss? Nasaan si Manong?” sunod sunod na tanong nito.

Tinignan naman sila ng driver sa rearview mirror pagkatapos ay tumingin sa side mirror. “Stop with the talk, just thank me! By the way, I’m your kidnapper,” aniya sabay ngisi ng nakakaloko at dahan dahang tinanggal ang suot na polo at pantalon na ipinatong niya lang kanina. “And oh, your driver is in the compartment,” sabay hinto niya ng kotse sa gilid at nilingon sila.

“Dito muna kayo,” aniya atsaka binuksan ang pintuan. “Babalikan ko kayo mamaya, wag na wag na kayong aalis pero tumawag na kayo ng pulis.”

“Wait! Who are you to command us?” Nakataas kilay na tanong ng dalaga sa kanya. Nakataas din siya ng kilay at biglang binunot ang baril na nakatago sa boots niya at itinutok sa kanila.

“Just do what I said kung ayaw mong paglamayan ka ng wala sa oras!” aniya. “And oh, hindi mo ako marereport sa mga pulis kasi kasangga ko sila. So ngayon, baba!” nilakasan niya ang kanyang boses para masindak ‘yung dalawa. Kaagad namang hinila ng binata ang kanyang kapatid.

Napangisi nalang si Rhanna.

“Pakibukas ‘yung compartment at pakisama ‘yung driver niyo! Mabilis!” kaagad namang ginawa noong dalawa. Pagkatapos ay binigyan sila ng flying kiss ng dalaga bago hinawakan ang kambyo at inapakan ang accelerator at pinaharurot pabalik ang sasakyan.

****

Mabilis na pinagbabaril ni Waxx ang gulong ng sasakyan ng mga kidnapper pagkatapos ay nagtagong muli sa gilid ng kanyang sasakyan upang maka-iwas sa balang ibinabalik sa kanya ng mga kalaban.

Rinig na rinig niya ang pagtama ng bala ng baril sa van na dala. Napa-iling nalang siya pagkatapos ay tinanggal na ang pagkakasandal dito, idinungaw muli ang kanyang ulo at nakipagsabayan sa pagbaril. Naputukan niya ang isa may kamay kaya’t nabitawan nito ang hawak na baril pagkatapos ay mabilis muling itinago ang sarili.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon