Chapter 5 - Base

2.4K 95 16
                                        

xxxx

AX4

BASE

MICHIGAN is still in shock. Para siyang tuod na nakatayo sa gilid ng walk-in closet ni Margo habang pinapanuod ang tatlo sa mga paghahalungkat na ginagawa nila. They can't blame her though, this is her first time. At isa pa, mukhang wala talaga siyang alam. Mukhang inilihim ng kanyang ama ang tungkol sa AX4.

Palihim na napapasulyap si Waxx sa reaksyon ng dalaga. Tila pinag-aaralan niya ang kilos ni Michigan. Makalipas ang ilang pagsulyap na ginawa niya, hindi na niya muna ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkuha ng litrato sa bangkay ng babae. Nakalaslas ang leeg nito, sa kanang kamay may nakalagay na patalim, duguan ang kabuuan. Ang ulo nito ay bahagyang naka-angat sa may pader, sa tabi ng malaking bintana sa gilid.

Maayos naman ang kwarto, bahagyang nakagusot ang kama, may bubog din na nagkalat sa tabi ng pintuan, bukod do'n wala ng ibang kahina-hinalang bagay sa loob.

"May nakita akong panyo!" napalingon si Waxx kay Vinch nang sabihin niya 'yon. Nakalagay na sa transparent na plastic ang panyong nakita ng kasamahan. "Pero, hindi ito sa kanya." Ipinagtakha ni Waxx ang sinabi ni Vinch, "May nakalagay na pangalan dito, Joe."

Sa gilid ng mata ni Waxx nakita niya na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Michigan. Nakatingin lang ito sa nakaluhod na Vinch hanggang sa narinig niya nagsalita ang dalaga dahilan upang lihim siyang mapangisi.

'Ito na 'yon.' Aniya sa kanyang isip.

"Joe?"

Napansin ni Waxx ang pagtingin ni Vinch sa direksyon ni Michigan. "Kilala mo?"

Ipinagpatuloy niya ang pangunguha ng mga litrato habang nakikinig lang sa usapan ng dalawa. Hanggang sa may makita si Waxx sa ilalim ng kama. Yumuko siya at inabot 'yon.

'Cellphone. This will help.'

Nilingon ni Waxx sina Michigan nang sumagot ito, "H-Her boyfriend."

Ibinato niya naman kay Rhanna ang cellphone na nahanap niya at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga litrato. Bawat anggulo, kailangan pag-aralan niya. Wala kailangan maiwan. Kailangan may mabuo silang deductions ora mismo.

Naramdaman niya ang pagtango ni Vinch sa gilid niya.

"Dalhin din natin 'tong cellphone na nakita ni Waxx," rinig niya pang sambit ni Rhanna mula sa may likuran. At ang pagpuna ni Rhanna kay Michigan ang nagpahinto sa ginagawa ni Waxx. "Michigan! Ba't nakatayo ka lang d'yan? Baka gusto mong tumulong, 'no?"

Lumingon siya nang bahagya kay Michigan at tinignan ang reaksyon nito. Umiling lang ito at iniiwas ang paningin sa bangkay ni Margo. She didn't want to see the body. Hindi pa rin siguro ito makapaniwala.

Mas lalong ipinokus ni Waxx ang paningin niya kay Michigan nang naibuka nito sariling bibig. "H-Hindi ko alam ang gagawin ko."

Napansin din ni Waxx na napahinto pa si Rhanna sa ginagawang pagsuri sa basag na vase sa tabi ng pinto nang narinig nito ang sagot ni Michigan. Maging si Vinch, naramdaman niyang na kay Michigan na rin ang paningin.

'Now, this is good. Kaming tatlo na kay Michigan lang ang tingin. She's pressured. I can sense it.' Sambit muli ni Waxx sa kanyang isip at napangisi.

"Just touch her. Tapos!"

Hindi alam ni Waxx kung matatawa siya sa lakas ng boses ni Rhanna nang sabihin niya 'yon, o maaawa para kay Michigan na ngayo'y umiiling nang paulit-ulit at bahagya pang napapa-urong.

"No way! Bakit ko naman siya hahawakan? Mabubuhay ba siya kapag ginawa ko 'yon?!"

Narinig niya ang buntong hininga ni Rhanna. "Masasagot mo 'yan kapag ginawa mo ang sinabi ko," at biglang hinagisan si Michigan ng gloves, "Do it!"

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon