xxxx
AX4
TRAINING
"SA palagay mo matatapos nila Vinch nang maaga 'yong kasong hawak nila?" tanong ni Rhanna habang naka-indian sit sa lapag. Nakatali ang mahabang kulot na buhok. Nakasuot ng Dobok na kulay puti; uniporme ng mga nag-aaral ng Korean Martials arts.
Tagaktak ang pawis sa kanyang mukha kaya't pinunasan niya ito. Hinihingal at tila hinahabol ang hininga.
Nasa loob sila ng training room ng kanilang base.
"To be honest?" ani Waxx habang nakasandal sa pader. "I don't think so, I'm not downgrading them or something but Gan is-"
"Hindi handa?" tuloy ni Rhanna sa sinasabi ni Waxx. "Well, nandyan naman si Vinchy hindi niya papabayaan si Michigan at isa pa may kasama sila diba? They have back ups."
"Right! But I'm going to check on them though," ani Waxx. "How about us?"
Umangat ang itaas na labi ni Rhanna sa tanong ng binata. Lumunok pa siya nang ilang beses. "A-Anong tayo?"
"Teka, bakit ka namumula? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Waxx sabay lapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa noo. "Hindi ka naman mainit."
Iniwaksi ni Rhanna ang kamay nito at lumayo nang bahagya. "Hindi 'no!" medyo malakas na saad niya. "Mag-ensayo na kayo tayo ulit, let's try boxing!" pagkatapos ay tumayo ito at tumalikod mula sa binata.
Nagkibit-balikat na lang si Waxx at tumayo rin. "Aryt."
****
BUMABA ilang metro ang layo sa target area sina Michigan at Vinch. Nagkapagpalit na sila ng simpleng damit na nababagay sa lugar.
NakaT-shirt na itim ang binata, pantalon na maong pagkatapos ay nakasuot lang ng tsinelas. "Fuuu man! I look so damn hot in this simple outfit. Sabagay kahit ano namang suot ko, bagay sa 'kin."
Napa-irap si Michigan sa kawalan. Nakasuot siya nang maluwang na tshirt at pantalon. May sumbero at maraming anik anik sa kamay. "So full of yourself Vinch, shut up please!"
Inakbayan naman siya ng binata. "I'm just kidding Gan, you look so serious kasi."
"Why so conyo?" tanong ng dalaga. "Atsaka, ninenerbyos kasi ako!"
"Wag ka nga, nauna na din mga back-ups natin."
"How come tinawag silang back-ups kung nauna sila. They supposed be at our backs, right?" ani Michigan sabay hawak sa strap ng back pack niya.
"Did you just crack a joke? Tatawa na ba ako?" may pang-aasar sa tono ng pananalita ni Vinch kaya't siniko siya ni Michigan.
"Whatever! Let's go," walang ganang sambit Michigan at akmang maglalakad pa patungong squaters area ngunit napahinto siya nang may naalala. "How bout this car? Paano 'to mababalik sa base?"
Ngumisi si Vinch at hinila na ang kamay ng dalaga. "That van know what to do," anito. "Ngayon, let's talk about our biz. Natandaan mo ba lahat ng diniscuss ko sayo sa loob kanina?" tanong niya habang naglalakad sila.
"Yeah yeah, magpapanggap tayong pusher ng ibang kuta ng mga drug addicts na 'to and no english speaking!" walang ganang sagot ni Michigan.
"Very good Gan." At mas lalo nilang binilisan ang paglalakad.
Pagkarating nila sa iskinita. Kaagad na napatakip ng ilong si Michigan. Pakiramdam niya ma-a-atching siya sa amoy. "Hanep Vinch! Ang baho! Hindi ba sila naliligo?"
