Chapter 8 - New life

2.5K 88 12
                                        

xxxx

AX4

NEW LIFE

"AYON sa resulta ng autopsy na ginawa namin sa kanya, blood loss ang ikinamatay niya dahil sa paglaslas niya ng leeg niya at may mga ugat din nadamay at isa pa medyo tuyo na 'yong dugo niya na tumalsik sa ibang parte ng kanyang katawan, ibig sabihin ilang oras na siyang patay bago siya naireport, around 10 pm and positive rin siya sa sexual harrasment," pagpapaliwanag ni Alex sa apat.

Naka-upo sila sa harap ng mahabang mesa sa loob ng conference room. Doon sila namamalagi kapag kailangan mag-usap-usap tungkol sa mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa mga kaso na hinahawakahan nila.

Walang gaanong gamit sa silid na 'yon bukod sa computer set sa harapan, na may kasamang projector at white board.

Gaya ng kulay sa clinic, halos puti at itim lang ang makikitang kulay do'n at kapansin-pansin ang malaking pangalan na nakalagay sa itaas ng kisame na tila glow in the dark, maganda ang pagka-ukit ng bawat letra ng AX4.

Malamig sa loob dahil sa dalawang malaking aircon na nakasindi. Seryoso ang atmospira na bumabalot sa loob ng silid.

"Ano pang hinihintay natin? Let's go and get that criminal!" sambit ni Vinch sabay palo sa mesa, rinig na rinig nila ang impact nito kaya't nagkaroon ng kaunting ingay.

Tinignan naman ni Waxx ang kanyang relo sa kaliwang kamay. "Just take it easy. Naghihintay pa tayo ng signal ng mga pulis."

"Easy? Kanina nga may pa walk out walk out ka pang nalalaman. Bipolar much?" nakangising sambit ni Rhanna habang nakataas ang isang kilay sa binata.

Sasagot pa sana si Waxx nang biglang magsalita ang Doktora. "You guys wanna shut up for a while or wanna sleep forever?" sabay kasa ng kanyang handgun at itinutok sa kanila.

Sabay-sabay naman napalunok ang tatlo at tila umurong ang mga dila.

Samantala, nabibigla naman si Michigan sa nakikita na may halong paghanga. Nakita kasi niya kung paano mabilis na kinuha ng Doktora ang baril sa tagiliran nito at walang kagatol-gatol na ikinasa.

Nagkatinginan naman ang tatlo at tila kinakabahan dahil nakatutok pa rin ang baril sa kanila. Alam nila kung ano'ng kayang gawin ng isang Alex Montemayor. Hindi lang ito pangkaraniwang Doktora, anak ito ng isang scientist na siyang namamahala ng agency no'n na ngayo'y ipinasa na kay Alex ang pamamahala rito.

Nahagip naman ni Vinch ang mata ni Lei na prentang-prentang naka-upo sa gilid ng Doktora na parang normal lang ang eksenang nakikita.

"Lei, do something. Baka iputok ni Doc Alex 'yong baril." Hindi na nakapagtimpi si Michigan, nakita niya kasi kong paano tignan ni Vinch si Lei na tila bagang humihingi ng tulong ngunit hindi sila pinapansin nito kaya't napabulong na siya rito.

Ibinaba ni Lei ang hawak nitong record book at tinignan si Michigan at pagkatapos ay sinulyapan sina Vinch.

"Why? Hindi ko naman sila close," anito. "I've just met them about 3 weeks ago? So, labas na ako diyan," simpleng saad nito at ningitian si Michigan pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"Doc Alex naman! Ibaba mo yan. Takot lang namin, tatahimik na po," tila batang pakikiusap ni Waxx. Nagsusumamo ang kanyang mga mata. Sinipa kasi siya ni Rhanna upang iparating dito na kausapin niya ang Doktora.

"Aryt, it's better now," ibinaba na ni Alex ang baril at isinauli kung saan niya binunot kanina. Nakahinga nang maluwag ang tatlo. "Okay, this is your 2nd undercover and I'm pretty happy that you are able to solve this case early. Tatlong araw ang inabot niyo ro'n sa unang kasong ibinigay ko, kaya akala ko gano'n din para rito," aniya. "Pero hindi pa kayo puwedeng magdiwang dahil hindi pa nahuhuli ang suspect. Inutusan ko si Lei na ipahanda na ang warrant of arrest para kay Mr. Milorio Fisco, right Leila?" baling ng Doktoaa sa kanyang assistant.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon