Chapter 25
Who are they?
Mabilis na nilapitan ng binata ang taong pumasok at niyakap niya ito. “Aalis na ba tayo?” tanong niya dito pagkatapos kalasin ang yakap na sinalubong niya sa kanyang ama.
Tumango ang ginoo, kasing edad nito si Chief Forteza. Tila version ito ni Waxx kapag tumanda na ito. “Yes, I already talk to her.” Sagot nito sa anak pagkatapos ay dumapo ang kanyang tingin kay Michigan.
Napakagat labi ang dalaga matapos ngitian ang tatay ng binata.
“Magandang araw po,”
Ngumiti pabalik ang ginoo pagkatapos ay humakbang ng kaunti palapit sa dalaga. “Gan, this is my dad.” Pagpapakilala ni Waxx sa kanila.
“Ikaw ang anak ni Michael hindi ba?” tanong sa kanya nito. Tumango si Michigan kahit na nagtataka siya kung bakit kilala ng tatay ni Waxx ang kanyang ama.
“Yes sir, I’m Michi---“
“Michigan right?” pagputol sa kanya ng ginoo. “I know, we used to work.”
“H-ho?” kunot noong tanong ni Michigan. Hindi niya talaga maintindihan ‘tong tatay ni Waxx. He’s cool and all but she thinks he’s weird. May mga bagay na alam siya tungkol sa kanya pero ngayon lang naman sila nagkita.
Napatingin siya kay Waxx ng matawa ito, marahil siguro sa reaksyon na ipinapakita niya. Ikaw ba naman makausap ng isang tao sa unang pagkakataon hindi ka ba makakaramdam ng pagtataka, parang ‘yung pakiramdam niya ngayon naramdaman niya noong unang kinausap siya ni Rhanna. Noong tinanong siya kung may birthmark ba siya sa may dibdib. Parang naulit ‘yung pakiramdam na ‘yun sa kanya.
“Nakalimutan ko palang sabihin sayo, isa sa dating Agents ang tatay ko. Kasamahan siya ng papa mo dati,” nagulat si Michigan sa sinabi ni Waxx kaya’t napatitig siya dito. Para siyang nastarstruck kahit hindi naman artista ang kaharap.
“Talaga?” tanong niya. “Ano pong pangalan niyo? Itatanong ko po kayo kay papa,” nakangiting sambit niya.
“Wexel Abalos,” sagot ng ginoo sa kanya. “Pero, tawagin mo nalang akong Tito Wex, if you don’t mind.”
“Oo naman po, sure Tito.” Mabilis na sagot niya. “Y-yung sinabi niyo po pala kanina? ‘Yung ‘we used to work’ Ano pong ibig sabihin niyo?”
Napatingin naman si Wexel sa kanyang anak. “There’s a lot of things she needs to know,” anito pagkatapos ay hinarap muli ang dalaga. “Ako ‘yung nagdadrive sa van na sinasakyan niyo,” nakangiting saad niya.
Unti unting nanlaki ang mata ni Michigan. “What?” tanong niya. “May nagdadrive pala nun?” hindi mapakaniwalang giit niya.
Sabay na natawa ang mag-ama sa reaksyon niya. “Ofcourse Gan,” natatawa pa ding sagot ni Waxx. “Ano ‘yun magic? Aandar ng walang nagdadrive?”
Napanguso nalang ang dalaga sa pamimilosopo sa kanya ng binata. “Fine Waxx,” aniya. “Teka, may pupuntahan po ba kayo?” tanong niya ng maalala ang bungad ng binata sa ama nito kanina.
