EPILOGUE

1.8K 72 12
                                        

EPILOGUE

Hinihingal ka lang

May oras pang natitira

Napalingon si Michigan nang makarinig ng malakas na pagtugtog ng musika sa kabuuan ng ice plant. Pagkapasok na pagkapasok nila kanina pagdesisyonan nilang maghiwa-hiwalay upang mapadali ang paghahanap at pagligtas sa kanilang mga kasamahan, lalo pa't may nadamay na civillian. Nagtungo siya sa kabilang bahagi.

Kahit parang ang layo pa

Habol

Mabilis niyang pinaputukan ang lalaking nakakita sa kanya sa kamay, nabitawan ng kalaban ang hawak nitong baril at kaagad siyang dumapa no'ng nakita niyang may parating pang isa na papaputukan siya. Hindi na niya ininda ang lamig sa pagkakadapa, hindi na siya nagdalawang isip na paputukan ang kalaban sa may hita.

Kung harangan ka man

Sumalakay man mga bantay

Tumayo na siyang muli ngunit nabigla siya nang may maramdaman na nakatutok na baril mula sa kanyang likuran. Pinakiramdaman niya itong mabuti.

Lahat kami Maghihintay

Habol, habol!

"Stop..." napapikit niya makilala ang boses nito. Ngunit pagmulat niya ng kanyang mga mata, napangisi nalang siya ng mapait.

"Tell that to yourself Cark!" mariin niyang giit habang malakas niyang siniko ang kamay ng binata at mabilis na umikot upang sipain ito sa sikmura. Napa-urong naman ang binata ngunit hindi niya nabitawan ang hawak na armas dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Tinitigan niya si Michigan na ngayo'y halos patayin siya sa bigat ng titig na ibinibigay sa kanya ng dalaga.

"You don't want to end like this, do you? Cark, gising!" sigaw niyang muli habang itinutok ang handgun na hawak sa binata.

"Are you sure you'll going to shoot me Michigan? Kaya mo... kaya mo ba?" tila nanunukso ang boses nito habang sinasabi ang bawat salita. Sinusukat niya ang kakayahan ng dalaga. "AX4 Agent, huh? Cool."

Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ng dalaga, nanginginig niyang ibinaba ang hawak na baril ngunit matamnan pa rin ang tingin niya sa binata.

"At this moment, aaminin ko hindi ko kaya. Alam mo kung bakit? Dahil kaibigan kita," rumagasa ang kanyang mga luha habang nakangisi parin ng mapait. "Kung magkasalubong man ang landas nating muli sa lugar na 'to, hindi na ako si Michigan na kaibigan mo, ako na si Agent X13 at asahan mo Cark ako ang tatapos ng kahibangan mo." sabay talikod niya at naglakad patungo sa ibang direksyon.

****

Napahawak si Waxx sa kamay niya nang biglang may sumipa dito kaya't nabitawan niya ang hawak na baril. Paglingon niya nakaramdam na naman siya ng pananakit ng tagiliran nang may sumuntok sa kanya mula sa gilid. Napa-iling nalang siya at ngumisi.

Dehado kung dehado

Para sa'n pang mga galos mo

"Gusto niyo ng mano-mano ah? Aryt!" giit niya at umilag nang makita niyang susugod na naman sa kanya ang tatlong bantay ng sabay sabay. Sumuntok siya sa isa sa may tagiliran kaya't napa-ungol ito. Sumipa naman siya sa harapan niya at natamaan sa mukha ang nasa gitna, umikot at sumuntok muli sa isa pa.

Kung titiklop ka lang

Titiklop ka lang

Nagpadulas siya sa gilid nang paputukan siya ng baril, rinig na rinig niya ang pagkabasag ng mga naglalakihang yelo dahil sa tama ng bala ng baril. Tumatalsik sa pwesto niya ang ibang parte ng malamig na bagay na 'yon.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon