Chapter 27 - Codenames

1.6K 56 4
                                        

 Chapter 27

 Codenames

 “Michigan, hindi mo pa talaga titigilan ang cell phone? Fuck off! Hindi ako pupunta sa party na ‘yun. Okay? Hindi ko nga ‘yun kilala!” iritang sigaw ni Rhanna sa kabilang linya. Simula noong magising siya kanina pa ito ring ng ring. Kanina pa siya kinulit ng dalaga na sumama sa debut na aattendan nito.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at hinihagis ang telepono sa kanyang kama. Pagkatapos ay naglakad na siyang patungong banyo upang maligo. Nang matapos ito may twalya na nasa kanyang ulo habang kinikiskis sa kanyang buhok upang matuyo kahit papaano.

 Nagbihis na siya at binoblower ang kanyang buhok. Tinignan niya ang repleksyon sa salamin pati na din ang kanyang buhok na kulot kulot sa dulo pagkatapos ay ngumisi sa sarili.

 “I have all the beauty in the world but I’m damn miserable!” aniya pagkatapos ay tumayo. Dinampot ang cell phone at lumabas ng kanyang kwarto ngunit nabigla nalang siya ng makitang nasa sala ng apartment niya sina Michigan at Vinch. Prenteng prente silang naka-upo na akala mo ay sa kanila ang bahay na tinutungtungan.

 “What the hell are you doing here?!” bulyaw niya sa dalawang kasamahan. Bigla namang napatayo si Michigan sa gulat ng pagsigaw ni Rhanna. Samantalang si Vinch parang wala lang sa kanya dahil hindi man lang ito natinag mula sa kina-uupuan.

 “Rhanna relax,” ani Michigan hinarap ang dalawang palad kay Rhanna na tila pinapakalma ito. “Hindi ka pwedeng tumanggi na sumama sa amin, ang sabi ni Doc Alex, kailangan tayo doon para ma-maintain ang kaligtasan ng mga tao, maraming galit sa mga pulis. You know that right? Kailangan nating siguruhin ay seguridad sa lugar,” aniya.

 Unti unting kumunot ang noo ni Rhanna dahil sa sinabi nito, “What?” aniya. “That’s not true!” pagalit ang tono niya. “We’re on break, right? Alex will not give us cases, siya na mismo ang nagsabi!”

 Sa pagkakataon namang ito si Vinch na ang sumagot. Tumayo siya sa kina-uupuan niya at nilapitan ang dalagang tila nag-uusok ang ilong. “You knew that she’s not lying,” tipid nitong sambit pagkatapos ay ngumisi.

 “Pero kung alam naman pala nilang may mangyayaring krimen o may nagbabanta sa kanila, edi sana hindi nalang nila itinuloy ang pesteng debut na ‘yun! Seriously, nag-iisip ba sila?” anito pagkatapos ay napa-upo sa kanyang sofa. Umupo na din ang dalawa upang makapag-usap sila ng masinsinan.

 “’Yun na din ang balak ni Ninong fred, but his daughter is a brat! Hindi na ito mapipigilan sa debut na inaasam-sam. So, they really need us there!” giit ni Michigan. “And one more thing, nandoon ‘yung pinsan ni Vinch at mga kaibigan nito... maging si Lei siguradong pupunta. I think?”

 Napa-irap nalang si Rhanna sa kawalan, “Do I need to care about them too?” aniya. “This is really bullshit!”

 “Yes!” seryosong sagot ni Vinch at umayos ng upo. “Remember Rhanna, we are not just ordinary citizens, we are agents and we ought to protect those people who’s not capable of protecting themseleves. “ Sinulyapan niya ang dalawang dalaga. “Tayo.... tayo ang pag-asa ng bayan! Mabuhay si Rizal!”

 Umiling si Michigan at binato siya ng unan na nasa sofa. “Sometimes, may mga point ‘yung sinasabi mo but most of the times, it’s crap dude!”

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon