xxxx
AX4
ANOTHER CRIME
"MABABALIW na ako! I cannot! Nakakasakit ng ulo. Nakakainis!" sabay sipa niya sa pader na kaharap niya sa sobrang yamot. She can't calm herself, she tried to be calm but she can't! Fuck this shit! Bakit ba siya ginugulo ng babaeng 'yon? Sino ba talaga 'yon? Kung anu-anong pinagsasabi sa kanya.
Okay, one more. "Michigan, chill you tits. Don't think about it anymore. Think of happy thoughts, think of stupid scenes, think of—"
"—me.."
Mabilis siyang napalingon nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya. Mabilis na nangunot ang noo niya. Sino na naman 'to?!
"What?!" singhal niya.
"Kinakausap mo ba ang sarili mo, Miss?" mahinahon nitong tanong. Napahinto si Michigan sandali. Biglang nakaramdam ng hiya. Lumunok siya at pinilit na kinakalma ang sarili sa kahit ano'ng paraan.
"No. Ikaw ang kausap ko," sarkastiko niyang sagot. "P'wera na lang kung ako ikaw, baka oo."
Nakita ni Michigan na napangisi ito kaya't napahinto siyang muli at pandaliang pinasadahan ang kabuuan nito. Matangkad. Matangos ang ilong, may pagkamistizo, at makinis ang mukha, makakapal ang kilay na animo'y bahagyang kulot ang mga 'yon, maganda ang hugis ng labi at—gulo-gulo ang buhok.
She knew him! Kasamahan ito no'ng babae!
"You!" dinuro niya ito. "Lubayan niyo ako!" sigaw niya at akmang lalayasan na ito ngunit nahinto siya nang magsalita itong muli.
"I can't do that," anito pero hindi niya na nilingon. "Anyway, mukhang mainit ang ulo mo. See you soon, then. Bye Michigan. Be careful."
Nanigas si Michigan mula sa kinatatayuan. Walang anu-ano'y nilingon niya ang binata ngunit naglalakad ito palayo. "Hoy! Bakit alam mo ang pangalan ko? You guys are stalkers!" sigaw niya ngunit hindi na ito lumingon.
Muli siyang sumipa sa inis bago siya bumalik para sa susunod niyang klase.
Hindi na niya alam kung ano ba ang uunahin niyang isipin sa mga pinagsasabi nila sa kanya. Those peeps really creepping the hell out of her. Nakapagtatakha lang na hindi sila natatakot kahit pa alam ng babaeng 'yon na pulis ang tatay niya, hepe pa.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa lamesa ng upuan pagka-upo niya.
"'Wag ngayon Pauline. I'm really stress," giit niya dahil nararamdaman niyang kukulitin siya ng kaibigan. Ramdam na ramdam niya rin ang titig nito kahit hindi siya nakatingin.
"Sige, next time na lang," rinig niyang sabi ng kaibigan. "But, wait, here oh, pinagkuha kita ng hand outs sa klase kanina ni Sir Jacoba."
"Thanks, pakilagay na lang sa bag ko," utos niya at ipinikit ang mga mata. Narinig niyang napabuntong hininga si Pauline.
"Yeah, Michi, whatever!"
Naramdaman niya na lang ang paglalagay nito ng handouts sa bag niyang nasa gilid. Akala niya tapos na ito pero nagsalita itong muli dahilan para iangat niya ang kanyang ulo.
"Ito oh, nagpadala si Kuya, para raw sa iyo."
Tinignan ni Michigan kung ano ang tinutukoy nito. Nakita niya na lang na may paper bag sa gilid ng upuan niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin na kay Pauline.
"Galing kay Cark?"
Ngumisi ito at tumango. "Yes! In no time, alam ko uuwi na rin siya. Bakit miss mo na Kuya ko, ha? ha? ha?"
