Chapter 9 - On the job

2.3K 93 19
                                        

xxxx

AX4

ON THE JOB

"WALA akong kasalanan! Hindi ako! Hindi ako ang pumatay kay Margo! Mahal ko siya!" nagwawala si Joe matapos kausapin ng mga pulis at inakusahan na siya ang may sala kung bakit nagpakamatay ang kanyang nobya.

Nasa loob sila ng funeral house at pilit siyang inilalayo ng mga pulis sa harap ng kabaong ngunit hindi ito nagpapatinag. Hinahawakan niya nang mahigpit ang kabaong at tila niyayakap ito, natatakot ang ekspresyon ng kanyang mukha na tila ayaw malayo sa kanyang patay na kasintahan.

"Hindi ako ang may kasalanan, hindi ko magagawa ang inaakusa niyo sa akin!" maririnig na rin ang kanyang hikbi at basag na ang boses. Basa ang pisngi, maging ang salamin ng kabaong dahil sa kanyang pagluha.

"Sumama ka na lang sa 'min nang maayos upang bumaba ang sintensiya mo, maari ka ding kumuha ng sarili mong abogado," pakiusap ng pulis sa binata.

"Hulihin niyo na 'yan! Pinatay niya ang anak ko! Dapat 'yang mabulok sa bilangguan!" galit na sigaw ni Mr. Fisco habang yakap-yakap ang asawang walang humpay ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata. Nakatayo sila sa isang gilid habang may isang pulis na nasa harapan nila upang pigilan ang pagsugod ng ginoo sa nobyo ni Margo.

Nakiki-usyoso na rin ang iba at tila nanunuod lang sila ng teleserye sa mga nagaganap. Hindi maalis-alis ang kanilang mata sa eksena na nakikita. Inaabangan ang mga susunod na maaring mangyari.

"That dirty old man is getting into my nerves. I want to punch him hard right now!" giit ni Waxx at nakayukom na ang kaliwang kamao dahil sa pagtitimpi.

Nasa gilid lang sila at pinag-aaralan ang mga pangyayari.

Hinawakan naman ni Rhanna ang kanyang balikat at medyo diniinan upang pakalmahin ang binata.

"Chill!" anito. "Self control, okay? You said it yourself, we need to give them a fair service."

Nagpakawala nalang nang malalim na buntong hininga ang binata. Wala din naman siyang magagawa. Pinakalma niya nalang ang kanyang sarili.

"Guys, what should we do?" biglang tanong ni Vinch sa kanila sabay tingin kay Joe na ayaw pa rin sumama sa mga pulis.

"I--I think, I know what to do..." mahinang sabi ni Michigan kaya't napatingin sila rito. "He knows me, maybe he trusts me too right?" Kaklase ko siya, e. Kahit papaano may mga pinagsamahan kami."

Biglang nangislap ang mata ni Rhanna. "Tama! He trusts your words."

"Probably yes, kailangan lang natin siyang mapasama sa pulisya para hindi makahalata ang matandang hukluban na iyon na hindi pa natatapos ang kaso. Kailangan niya munang makampante upang hindi niya maisipang tumakas," sagot ni Waxx at binigyan ng sulyap ang ama-amahan ni Margo.

"Do it cool Gan!" nakangiting saad ni Vinch at pinisil pa ang kanang pisngi ng dalaga.

Pinalo naman ni Michigan ang kamay ng binata sabay pinilipit. "Masakit, ano ba!"

"Aray aray aray! Ouch, Michigan! Masakit din!" reklamo ng binata at halos nagtatatalon na sa sakit ng pagkakapilipit ng kanyang kamay. Nakapikit pa ito at halatang nasasaktan nang husto.

Binitawan din 'yon ni Michigan at kita ng mga mata nila ang pamumula no'n. "Brutality stikes," nakasimangot na saad ni Vinch habang pinapaymay ang kamay niya sa hangin. "This is so child abuse!"

"Child abuse your face Vinchy!" singhal ni Rhanna sabay baling ng tingin kay Michigan.

"Go," pagsisignal nito. Tumango naman siya at halatang alam ang gagawin kaya't hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon