Chapter 16 - The reason

2.2K 69 9
                                    

Chapter 16

 The reason

Nakasalubong ng dalaga ang mga pulis sa paglalakad. Tinanong siya ng mga ‘to kung ayos lang ba siya o ano. Ngunit hindi siya umimik, parang wala siyang narinig nagpatuloy lang ito sa paglalakad at tila wala sa sarili. Natingin lang ng diretso sa daan at parang lumilipad ang isip. Maliwanag naman sa dinadaan niya dahil sa iilang poste ng ilaw na nakatayo sa gilid.

Napahinto naman siya sa paglalakad ng may biglang humawak sa kamay niya at pilit na pinalingon. “Sabing ng okay lang ako---“ Napahinto siya sa pagsasalita ng makitang si Waxx ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nandito ang binata. Hindi naman niya kaso itong hinahawakan niya.

“What are you doing here?” walang ganang tanong niya sa binata. Tinitigan muna siya ni Waxx pagkatapos ay dumapo ang mga mata nito sa braso niya.

“May sugat ka---“

“Oo, alam ko! Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako manhid. Nakikita at nararamdaman ko yung sugat ko. So, ano ngayon? Sasabihin mo din ba sa akin na dapat hindi ko ginawa yung ginawa ko kasi napahamak ako? Bullshit!” maglalakad na sana ito palayo at iiwanan nalang sana ang binata ngunit hinila siya ulit ni Waxx at bigla nalang niyakap.

Ramdam kasi ng binata na tutulo na ang mga luha sa mata niya na kanina pa pinipigilan. Iniwasan niyang diinan ang yakap niya dahil baka matamaan ang sugat nito.

“Wala naman akong sinasabi kaagad ka namang nag-aassume,” anito ng pabiro habang nakatapat ang bibig sa tenga ng dalaga. “Ang galing mo nga e,” sabay kalas sa yakap at ginulo ang buhok ng dalaga. Nakangiti ito sa kanya. “Biruin mo ‘yun, binigyan kayo ng dalawang araw para mahuli ang Drug Lord sa lugar na ‘to. Tignan mo wala pang isang araw na nandito kayo nahuli niyo na,”

Hindi na napigilan ni Michigan ng pagtulo ng kanyang luha. Dahan dahan siyang nagpakawala ng isang ngiti sa labi. Dahil sa sinabi ni Waxx sa kanya, tila gumaan ang pakiramdam niya. Hindi tulad kanina na nasaktan sa sinabi ni Vinch. Na parang kasalanan pa niyang nandito siya at kasama nila na nagbubuwis ng buhay.

Tinignan niya si Waxx sa mata at hinawakan niya ang kanang balikat niya. “Thank you,” aniya.

Ngumiti din ang binata sa kanya bilang ganti pagkatapos ay inakbayan ito. “Halika na, ipagamot na natin ‘yang sugat mo at baka maubusan ka na ng dugo.” Sabay nilang inihakbang ang kanilang mga paa.

“Ang oa! Malayo ‘to sa bituka,” pahayag ng dalaga.

“Walang malayo o malapit sa pagdating sa sugat, masakit pa din.”

“Ganito ka pala, ano?” biglang giit ni Michigan kaya’t napatingin sa kanya si Waxx habang naglalakad pa din sila.

“I mean, I thought you’re plain... plain serious. And then all of a sudden, biglang iba na. You get me?” tumango ang binata dahil nakuha niya ang ibig sabihin ng dalaga. Napangiti nalang siya at umiling.

“Well then, you don’t know me well..” anito.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon