Chapter 36 - In question

1.2K 51 2
                                        

Chapter 36

In question

“Mukhang nagpahinga na talaga ng tuluyan ang hacker, hindi na siya bumalik pang muli. Tatlong araw na din ang nakalipas magmula no’ng sinubukan niyang pasukin ang system ng AX4. Marahil siguro mas mahigpit ang seguridad ng Agency ngayon,” paliwanag ni Lei kina Michigan at Waxx.

Sekreto lamang silang nagpunta sa apartment ng dalaga upang pag-usapan ang mga ito. Hindi pa rin nila sinasabi sa dalawang kasamahan lalo na’t naghihinala siya ng kaunti kay Rhanna sa mga huling kinikilos ng dalaga.

“So, does it means that the Agency is safe now?” tanong ni Michigan habang seryosong nakatingin sa assistant ng doktor. Ngumiti si Lei ngunit maliit lang na siyang nagpakaba sa dalaga. “Anong ibig sabihin ng ngiting ‘yan Lei?” may pag-aalala ang mga mata nito habang naghihintay ng kasagutan.

“Hindi ako sigurado,” giit ng dalaga sabay tingin sa malayo. “Hindi natin alam kung ano ba talaga ang intensyon ng taong ‘yon. Hindi natin alam kung anong gagawin niya sa mga impormasyon na nakuha niya. Hindi natin alam kung sino ang nasa likod nito,”

Nagkatinginan si Waxx at Michigan dahil sa sinabi ni Lei. Nababahala sila sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Kinakabahan. Natatakot. Hindi nila ang gagawin kung tama ang hinala nilang dalawa na may kinalaman si Rhanna sa nangyari. Hindi pa sila sigurado. Hindi na rin nila sinabi sa iba ang mga iniisip nila, sinolo na muna nila itong dalawa hangga’t wala silang nakukuhang ebidensya. Minsan hindi puro ‘akala’ at ‘instinct’ ang papairalin, kailangan nila makasiguro. Kailangan nilang matuklasan ang totoo upang mapanatag na ang kanilang kalooban.

“Ano ba ‘yong information na nakuha niya?” tanong muli ni Michigan matapos iiwas ang tingin sa binata. Hindi na niya kinakaya ang mga tingin na ‘yon. May pangamba sa mata nito at mas lalo siyang kinakabahan kaya’t umiwas na lamang ng tingin.

“Your identity and the kind of ability you have,” malungkot ang ngisi ni Lei matapos sabihin ‘yon. “So be careful, maaring gamitin nila ito sa atin upang mapabagsak ang Agency.” Tinignan niya ang dalawa. “Please, don’t let this happen. Kung may sisira man sa AX4 mas matatanggap pa ni Doc Alex kung kaya ‘yon...” mahalugang sambit niya.

****

“Michi, you look stress...” napalingon ang dalaga sa kaibigan si Pauline matapos niya itong sabihin. Nakita niya rin na tumango si Cark bilang pagsang-ayon.

“I agree, something’s bothering you?” may pag-aalala sa boses ng binata ng tanungin niya ito. Pilit na ngumiti si Michigan at ginulo ang buhok ni Cark.

“Yes, your hair’s color is bothering me dude. Pakulayan ba naman ng light pink?” sabay ngisi niya. “Are you gay?”

Mabilis na nagkasalubong ang kilay ni Cark sabay hawi sa medyo may kahabaan niyang buhok na pinakulayan niya kahapon. Napahalakhak naman si Pauline sa naging reaksyon ng kanyang kuya.

“Mukha ba akong bakla?!” hindi makapaniwalang giit niya. “Dude, this is fashion!”

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon