Chapter 39 - Amiss jugdements

1.2K 44 2
                                        

Chapter 39

 Amiss judgments

Dahang dahang iminulat ni Michigan ang kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang pakiramdaman ngunit hindi na niya ‘yon ininda. Pumaupo siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama, inilibot niya ang paningin sa buong lugar na nakita niya sa kabilang side ng kama si Pauline na natutulog, naka-upo ito at kung titignan hindi komportable ang kanyang pwesto.

Napatigil siya saglit at inalala ang mga nangyari. Pinasadahan niya ng tingin ang suot na damit, wala ng bahid ng dugo. Mga damit na Pauline ngayon ang kanyang suot suot.

Dahang dahan siyang bumaba mula sa kama na tantay niya ay kay Cark dahil sa panlalaking aura nito. Huminga siya ng malalim at naglakad ng mabagal patungo sa banyo ng binata. Nang makapasok na siya rito, tumingin siya sa malaking salamin na nakadikit sa kulay puting dingding. Pinagmasdan ang sarili habang nasa sink ang dalawang kamay. Paulit ulit na bumuntong hininga.

“Ano bang ginawa mo Michigan? Bakit pati sila Pauline dinadamay mo sa problema mo?” pumikit siya at pinasadahan ng kamay ang kanyang itim na itim na buhok habang napakagat sa kanyang ibabang labi. Mabilis na tumalikod mula sa salamin at dali daling lumabas sa banyo.

Sinulyapan niya muna ang digital clock na nakapatong sa cabinet ni Cark. Namilog ang kanyang mata nang makitang gabi na.

8:40 pm to be exact.

“Shit, ilang oras ba akong nakatulog? Baka gising na si Vinch!” biglaan niyang bulaslas at akmang lalabas na ng silid na ‘yon ng pumigil sa kanya ang ingay na kanyang narinig. Sinulyapan niya si Pauline, nagkukusot ito ng mga mata pagkatapos ay tinignan siya.

“Michi gising kana pala!” mabilis itong tumayo at nilapitan siya. Hinawakan ang magkabila niyang balikat, “Okay kana ba? Kumain ka muna!” puno ng pag-aalala ang kanyang boses maging ang ekspresyon ng mukha nito.

Ngumiti si Michigan sa kanyang kaibigan. “Thanks Pau and sorry for disturbing, I gotta go.” anito at tinalikuran na si Pauline at lumabas ng kwarto ni Cark.

Rinig na rinig niya ang yabag mula sa kanyang likod. Sinusundan siya ng kaibigan. Nang makarating na sila sa sala, nakita niya kaagad ang kanyang bag. Mabilis niyang kinuha ito at isinabit sa kanang balikat.

“Michi, you are not okay! Just stay,” utos ni Pauline sa kanya ngunit tila wala siyang narinig. Bagkus ay ngumiti lang ito sa dalaga.

“I’m okay,” simpleng saad niya at hahakbang na nasa palapit sa pinto ngunit hinila ni Pauline ang kanyang bag. Malakas ‘yon kaya’t dumulas ito sa kanyang balikat at nahulog sa sahig. Nagkalat ang mga gamit dahil hindi gaanong nakasara ang zipper nito.

“Michigan, I said you are not okay! Just for once listen to me!” hindi na napigilan ni Pauline ang mapasigaw dahil sa emosyon na nabuo sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang katigasan ng ulo ng kaibigan.

Taas baba ang dibdib ni Michigan dahil sa mabilis na paghinga. Pinipigilan niya ang emosyon, pinipigilan niyang sumabog. Sure, nagbreakdown siya kanina dahil sa mga nangayari. Hindi na dapat siya nagpunta rito dahil dadagdag pa pala ang kaibigan niya sa mga iniisip niya.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon