Chapter 32
When emotion interfere
“Oh, fuck! Nakakaawa,” punong puno ng awa at habag ang boses ni Michigan ng makita ang kalagayan ng batang nakahandusay sa sahig. Nangingilid ang kanyang luha at hindi niya lubos na maisip na may gagawa ng ganitong kademonyohan sa bata.
Puno ng sugat at pasa ang buong katawan, may bakat din ng latigo sa kanyang mga braso. Duguan at halatang pinahirapan ng husto. Kung titignan ngayon mukhang payapa na siya dahil hindi na niya mararamdaman pa ang pagpapasakit sa kanya ng kung sino man.
“Guys, let’s finish this as soon as posible..” mahinang giit ni Waxx habang iniiwas ang tingin sa bata. Hindi niya lubos na matignan ang itsura nito dahil may naaalala siya. Isang taong mahalaga sa kanya na hinding hindi na niya makikita pa.
Hinahalughog nila ang buong kwarto ng bata, samantalang tatangkain sana ni Michigan na hawakan ang bata ngunit may pumigil sa kanya pagtingin niya, si Rhanna.
“D-dont,” anito at nakikita ng dalaga ang lungkot sa mga mata nito. Umiling iling pa ito sa kanya at gano’n nalang ang pagkagulat ni Michigan ng may pumatak na butil ng luha sa kamay niya na hawak ni Rhanna. Pagkatapos ay nabigla nalang sila ng tumakbo ito palayo sa kwarto kung saan naroroon ang bata.
“Rhanna!” sigaw ni Vinch matapos daanan ng dalaga ngunit hindi na siya nilingon pa nito. Tumayo si Michigan mula sa pagkakaluhod sa tabi ng bata at isinantabi niya muna ang paghawak dito. Tinignan niya ang mga dawalang kasama.
“I’ll talk to her,” anito. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at nagmadaling tinungo ang labas ng pinto.
Paglabas niya ng bahay bumungad na naman sa kanya ang mga taong nakiki-usyoso at ang mga police na hinaharanagan ang mga ito, naglagay na din sila ng barricade upang walang makapasok sa loob ng crime scene.
Sa hindi kalayuan natanaw niya ang kanyang ama na kinaka-usap ang isang Ginang. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito at narinig nito ang pag-uusap nila.
“Fuck, what the hell are you doing in my house? Umalis kayo!” sigaw nang Ginang sa kanyang ama ngunit nanatili lang na kalmado si Michael at pinapahinahon ang ginang.
“Natagpuan pong patay ang anak ninyo sa loob ng kanyang kwarto, kaya’t hindi maari ang gusto niyo na basta basta nalang kaming umalis dito dahil iniimbistigahan pa namin ang nangyari sa kanya,” mahinahon na sambit ni Michael dito.
“That kid?” galit na turan ng ginang. “Kahit kailan talaga, malas ang batang ‘yan!” Hindi na napigilan ni Michigan at napasugod sa ginang at binigyan ito ng malakas na sampal. Nagulat pa nga si Michael ng biglang sumulpot at itinulak siya sa gilid ng kanyang anak.
“What the fuck miss?! Bakit ka nanampal?” sigaw sa kanya ng Ginang na sa tantya niya nasa bente singko palang ang edad nito.
“Pakinggan mo kaya ‘yang bibig mo ng malaman mo kung bakit kita sinampal. You’re old enough but you’re acting like a brat one!” hindi na napigilan ni Michigan ang kanyang emosyon at nakikipagtalo na siya sa ginang.
“Michigan stop,” rinig niyang sambit ni Chief Forteza. “Don’t interfere,”
Umiling ang dalaga at hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang ama. Lumalaki ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ng ginang. Napunta na din sa kanila ang atensyon ng iba. Pero, wala siyang pakialam. Naiinis at nagagalit siya sa babaeng nasa harapan niya, namatay na ang anak niya wala pa ding pakialam.
