Chapter 24
Erstwhile
“I’m home!” sigaw ni Michigan pagkatapak na pagkatak niya pala ng pinto ng bahay nila. Kakauwi lang nito galing sa bahay ni Lei. Gabi na ng byernes ngayon kaya’t pwedeng pwede na siyang umuwi. Mabilis naman na nagtungo ang kanyang ina upang salubungin siya. Napangiti si Michigan ng makita niya itong galing sa kusina, sinugod niya ng yakap ang ina.
“Miss you ma!” aniya at siniil ng halik ang pisngi nito.
“Ikaw na bata ka! Kung may mga lakad kang ganoon, dapat nagpapa-alam ka sakin at hindi sa papa mo. Nagseselos na tuloy ako sa kanya,” pahayag ng ina sabay pala sa braso niya. Kaagad naman siyang napatalon sa sakit.
“Aw!” sigaw niya.
Kumunot ang noo ng ginang. “Bakit? Napano ‘yang braso mo?” tanong sa kanya. “Akin na at matignan ko nga,” lalapitan sana siya ng bigla siyang tumakbo papunta sa hagdan.
“Wala ma!” aniya at pilit na ngumiti kahit na sumasakit ‘yung sugat niya dahil sa palo. “Ang lakas lang nung palo mo, paano pa kaya kung kinikilig ka?”
“Ano?” nagtatakang tanong ng ginang. Ngumiti nalang si Michigan pagkatapos ay nagpa-alam na dito. Sinabi niyang magpapahinga muna siya sa kwarto niya dahil namiss niyang matulog dito. Pagkarating na pagkarating niya sa loob, binuksan niya ang ilaw at kaagad niyang sinugod ang kanyang kama, niyakap ang mga unan at kumot.
“How I missed my things,” aniya sa sarili.
“Michigan,” halos tumalon siya sa gulat ng may biglang bumanggit sa pangalan niya. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kanyang kwarto na ang kulay ng mga dingding ay black na may konting halo ng blue. Kumunot ang noo niya ng makitang nakatayo na pala sa tabi ng pinto ang kanyang ama.
Napanguso siya at napakamot ng ulo. “Pa, alam mo ba yung salitang katok?”
Ngumisi si Chief Forteza pagkatapos ay lumapit sa kanya at umupo sa kama. “Hindi,” anito. “Pero, alam ko meron ka nun,”
Pinandilatan niya ng mata ang kanyang ama. “What?!”
“Just kidding kid,” aniya pagkatapos ay tumawa ng bahagya. Pagkatapos ay napabuntong hininga ngunit napalitan din ng isang ngiti at seryosong tinignan ang kanyang anak. “I just want you to know that I’m proud of you,”
Napatulala saglit si Michigan dahil sa sinabi ni Michael. Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang mga binitawang salita ng ama, ibunuka niya ang bibig na tila may sasabihin ngunit isinarada niya din ito at napangisi. Hindi na siya nagsalita bagkus ay niyakap niya nalang ito.
****
“So, wala ka munang ibibigay na kaso sa amin ngayon?” tanong ni Vinch kay Alex habang nasa loob na naman sila ng conference room. Nagpatawag kasi ito ng urgent meeting kaninang umaga kaya’t heto sila ngayon nasa base.
“Actually, may mga kasong naka-line up pero hindi ko sa inyo ibibigay.” Pahayag ng Doktora. “You guys need a break, seriously.”
