xxxx
AX4
THIS ISN'T FANTASY
NANG nakapasok na silang lahat sa loob nakita nila ang isang babaeng halos kasing-edad lang nila na nakasuot ng puti na parang pangdoktor. Maikli ang buhok na hanggnag batok at itim na itim ang kulay. Tumataray tuloy ang aura nito kahit na maamo naman ang mukha.
Ngumiti sina Vinch dito kaya't ningitian din sila ng babae.
"Hi, Lei!" bati ni Vinch. Tumango naman ito bilang sagot pagkatapos ay ina-assist sila sa may gitna.
Lumakad pa sila nang kaunti hanggang sa makarating sa gitna ng silid. Malaki ang silid na 'yon, maraming mga aparato ang nandoon, iba't ibang gamit na hindi alam gamitin ng isang taong walang kaalamam sa mga gano'n.
Napahinto naman si Michigan nang makita ang nakahigang katawan ni Margo sa stretcher. Tila bagang napako ang kanyang mga paa sa tinutungtungan habang nakadapo lang ang mga mata sa kaklase. Namumuo na naman ang emosyon sa kanyang puso at nagsimulang nangatog ang tuhod.
"Nandito na pala kayo." Bigla may nagsalita kaya't naagaw ang atensyon niya. Tinignan kung sino 'yon at nakita ang isa pang babaeng nakatayo sa gilid na tila nasa mid-twenties palang. Nakasuot din ng pangdoktor at napakasopiskada ng dating.
"Hi, Doc Ganda. Ano'ng resulta?" masiglang tanong ni Vinch dito at mas lalong lumapit ang Doktor sa kanila.
Kapansin-pansin din na iwas ang tingin ni Rhanna sa Doktor na nag-ngangalang Alex.
"Hindi pa namin nilalabas ang resulta dahil hinihintay namin kayo, at isa pa ito na ang tamang pagkakataon para mapatunayan niya ang sarili niya," sabay baling ng tingin kay Michigan.
Na siya namang ikina-urong ng dalaga. Hindi niya maintindihan, ano'ng dapat niyang patunayan? Mabilis din ang pagpintig ng kanyang puso. Nilalamig ang kanyang kamay at namamawis ang kanyang noo kahit na air-conditioned ang loob ng silid.
"Waxx," pagtawag ni Rhanna.
Tumango naman ang binata at tinignan si Michigan.
"Can you do it now?" tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo ni Michigan sa sinabi niya at napa-iling.
"Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi niyo. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. G-gusto ko ng umuwi!" sabay talikod niya pero hinarangan siya ng babaeng nagngangalang Lei. Ito 'yong assistant ng Doktor na may maikling buhok na sumalubong sa kanila kanina.
"I'm sorry Missy, pero hindi ka maaring umalis. You have to do your work." Binigyan siya ng pilit na ngiti, hinawakan nito ang magkabilang braso ni Michigan at hiniharap sa kanila.
"Just touch her."
Mabilis na naglukot ang mukha ni Michigan.
"Why would I do such thing?!" naiiritang tanong niya sabay alis ng mga kamay ni Lei sa braso niya. "Gusto ko ng umuwi!"
"Ikaw lang ang makakasagot sa mga katanungan mo Michigan. Gawin mo na para malaman na natin!" tila naiinip na sambit ni Rhanna.
Lumapit naman si Vinch kay Michigan at inakbayan. "Gan... Gan na lang ang itatawag ko sayo kasi ang gandang pakinggan! Boom!" masiglang sambit niya kaya't napairap nalang si Rhanna.
"Childish!" bulong nito.
Ibinaling ni Vinch ang tingin sa kasamahan. "Sayin' something Rhanna?"
"Nah!" wala nalang itong sinabi para manahimik na si Vinch.
"Look Guys, hindi ko alam kung anong sinasabi niyo. Atsaka, ano'ng sense naman kung hahawakan ko siya o ano. Ano bang mangyayari? Mabubuhay ba siya? Hindi naman 'di ba—" natigil ang pagsasalita ni Michigan nang biglang hablutin ni Lei ang braso niya at inilapit sa bangkay ni Margo, pinilit nitong inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ng kaklase.
