xxxx
AX4
PROOFS
"SINO 'yong anghel na 'yon?" Tanong ni Vinch kay Rhanna pagkapasok nila ni Waxx sa loob ng malaking van. Umupo siya sa gitnang upuan. "Naninigaw siya. Tsk. Nakakasakit ng puso sigaw niya, parang nagulantang buo kong pagkatao."
Bahagyang natawa si Rhanna sa sinabi nito, napangisi naman si Waxx habang nakatingin sa kakabukas na laptop.
Sasagot na sana si Rhanna nang nabaling ang atensyon niya kay Waxx. "The one?" tanong ng binata habang seryoso itong nakatingin sa kanya.
Napangiti si Rhanna sa bilis pumick-up ng binata. Ibubuka na niya sana ang kanyang bibig nang sumingit si Vinch.
"The one? Sino 'yon?" kunot-noong tanong nito.
Inismiran lamang ni Rhanna si Vinch at hindi ito pinansin. Nilingon niya si Waxx na naghihintay ng sagot.
"Waxxy boy, you got it right!"
Napatango si Waxx at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. "Paano mo siya nahanap?"
Isinandal ni Rhanna ang kanyang ulo sa headrest ng upuan at ipinag-ekis nito ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib.
"Let's just say, fate is really into us."
Nagulat si Rhanna nang biglang siyang siniko ni Vinch. "Hey! Nandito pa kaya ako? Hello? Baka p'wedeng magshare ng pinag-uusapan niyo? Tsk." Umiiling-iling pa ito na tila dismayado. "Hindi naman siguro, mababawasan 'yang powers niyo 'di ba?!"
Napangiwi si Rhanna. "Powers amputek," aniya at itinuro si Waxx. "'Ayan si Leader, sa kanya ka magtanong. Pagong!"
Natawa na lang si Rhanna nang makitang naghihintay ng sagot si Vinch mula kay Waxx na busy sa pagkalikot ng laptop. Nang maramdaman ni Waxx na nakatingin si Vinch sa kanya, nag-angat ito ng ulo at tinignan ang kasamahan.
"Ano?"
"Baka kailangan ko ng sagot?"
Ngumiwi si Waxx. "Google mo Vinch. Nakakatalino 'yon."
Humagalpak ng tawa si Rhanna na kasunod ang pagtawa nang bahagya ni Waxx. Inis na nagkamot ng ulo si Vinch.
"Nakng fuu. 'Wag niyo akong ganituhin! Masakit sa puso ang fuungina."
Umiiling si Rhanna. "Ewan ko sa'yo, pangit."
Inismiran siya ni Vinch at tila bumulong-bulong pa ito kaya't hinila ni Rhanna ang kamay nito at pinaharap sa kanya.
"Ano binubulong-bulong mo dyan Chuachuwawa?"
Mabilis na ngumiti si Vinch. "Sabi ko ang ganda mo."
Naningkit ang mga mata ni Rhanna at walang anu-ano'y nabatukan si Vinch. Nanlaki naman ang mga nitong tinignan siya dahil sa ginawa niya.
"Masakit!" singhal nito.
"Alam ko!" sagot niya. "Gusto mo isa pa?!"
"E, ba't namamatok ka kasi Rhanna?!"
"E, kasi sinungaling ka!"
Napangisi si Vinch sa sagot ni Rhanna. "Damn your ability."
"Yeah, right. So, don't you dare lie to me Vinch."
Hindi na ito nakasagot nang biglang nagsalita si Waxx sa gitna nang pagbibiruan nila Rhanna at Vinch. Minsan may pagkakill joy talaga ang binata. Nakinig na lang sila sa sinasabi nito at pinilit na nagseryoso ni Rhanna kahit panay bulong pa ni Vinch.
