Chapter 34 - The leader

1.3K 47 5
                                        

Chapter 34

 The leader

“Michi, sorry..” salubong ni Pauline kay Michigan ng magkita sila sa isang mamahaling coffee shop. Nakunot noo naman ang dalaga dahil hindi niya maintindihan kung bakit humihingi ng paumanhin sa kanya ang kaibigan. Umupo muna siya at ipinatong ang bag sa bilugan na lamesa.

“Why?” nagtataka pa din niyang tanong.

Ngumuso si Pauline bago sumagot. “Last night, ‘di super late kana nakauwi dahil sa pag-inom natin? To the point na nakalasing pa tayong dalawa at nakatulog ako so, hindi ko na talaga alam kung anong nangyari. Kuya Cark said na hinatid kanya,”

Napa-isip sandali ang dalaga dahil wala siyang maalala. “Hinatid niya ba ako?” wika niya. “Y-yeah maybe, hindi ko na din maalala eh.”

“Hindi ba nagalit si Tito Michael?” nag-aalalang turan ng kaibigan niya sabay tingin sa kanay ng seryoso. Umiling si Michigan at inalala kung nagalit ba sa kanya ang kanyang ama.

“No, baka tulog na siya no’ng umuwi ako.” Aniya at ngumiti. “And, my dad really is cool. You know that! Pero, kanina nalate ako pagpunta sa Age—“ napahinto siya ng marealize niya kung anong gusto niyang sabihin. “Nevermind,” bawi niya.

Napatango naman ng mabilis si Pauline habang namimilog pa ang mga mata. “I know!” pagkatapos ay bigla napanguso nalang muli dahil kabaliktaran ng ama ni Michigan ang tatay niya. May pagka-istrikto ito sa ibang mga bagay.

“Hey Pau, what’s with the face?” nakalukot na din ang mukha ni Michigan habang nagtatanong. “By the way, where’s blonde guy?” sabay ngisi.

“Home,” mabilis na sagot ni Pauline. “Pinatawag ni Dad, may pinapagawa ata or something.” Pagkikibit balikata niya.

“Bussiness matters?” tanong ni Michigan.

“I don’t know... let’s order? My treat!” masiglang sambit niya habang nakangiti.

****

“Pa-order nito, atsaka nito. Pati ‘yon, ‘yon na din! Atsaka isama mo na din po ito, salamat!” masiglang sambit ni Vinch sa nagtitinda ng fishballs at kung anu-ano pang tusok tusok. Napapangiwi nalanga ng tindera sa kanyang habang inilalagay nito sa isang mangkok ang lahat ng itinuturo ng binata sa mga tindi niya.

Pauwi na sana ito pagkahatid kay Michigan sa dapat niyang puntahan ng madaanan niya itong nagtitindi ng fishball sa may gilid. May mga lamesa pa na para sa customer, nagugutom siya kaya’t naisipan niya munang bumili ng makakain.

“Kumakain ka pala nito,” anang tindera sa kanya sabay abot ng mangkok at kumuha pa ng isa para sa ibang order na Vinch na hindi na kasya do’n sa unang mangkok na inabot niya sa binata. Nakita ni Vinch ang stick sa gilid kaya’t kumuha siya ng isa.

“Mukha ba akong hindi kumakain ate?” tanong niya pabalik. “Atsaka kanina ka pa ngumingiwi habang inilalagay mo sa mangkok order ko. Mukha ba akong walang pambayad?”

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon