xxxx
AX4
CONFUSING SHITS
"SUNOD-SUNOD ang mga natagpuang patay sa bayan ng Casta Villa sa magkakaibang araw. Hinihinala ng pulisya na sindikato ang may kagagawan nito dahil sa pare-pareho ang sanhi ng kanilang pagkamatay. Sa ngayon, naghahanap pa ng matibay na ebidensiya ang pulisya tungkol sa krimen na 'to....."
"Nakakatakot naman 'yan, anak. Masyado nang madaming masamang tao ang nabubuhay sa mundo. Ang mas nakakatakot pa, rito sa bayan natin namalagi ang mga 'yan," sambit ni Minerva matapos ilapag ang isang pitsel ng orange juice sa ibabaw ng lamesita.
Naka-upo naman sa black leather na sofa ang kanyang anak na babae. Nakakunot ang noo nito habang napokus ang paningin sa binalita ng newscater sa kanilang flat screen tv.
"Ang dali para sa kanila ang pumatay, 'no, Ma? I don't really get it why they can kill that easily. Kung kumitil sila ng buhay akala mo lamok lang pinapatay nila. Kung may kakayahan lang ako, ako na mismo ang tutugis sa mga 'yan! Ang babagal pa naman kumilos ng mga pulis. Nako lang, a!" singhal ni Michigan pagkatapos isinubo sa kan'yang bibig ang hiniwa niyang hotdog.
"Michigan! 'Wag kang magsalita ng ganyan, marinig ka ng Papa mo!" sermon ni Minerva sa kanyang anak. Ang asawa kasi nito ay hepe ng pulisya sa lugar nila.
Napanguso ang dalaga. "Joke lang po, alam ko naman magaling na hepe si Papa, ang kaso 'yang mga kriminal lang talaga ang problema at parang walang magawa 'yong mga tauhan ni Papa."
"Hindi naman kasi gano'n kadali ang trabaho namin."
Nanlaki ang kanyang mga mata at halos napatalon nang may malaking boses na nagsalita sa may likuran ng sofang inuupuan nila. Paglingon niya nakapagat siya ng ibabang labi kasabay ng mga mata niyang humihingi ng paumanhin.
Tumayo siya at nilapitan ang kan'yang ama, humalik siya sa pisngi nito. Naka-uniporme ito ng pangpulis at makikita karespe-respetado talaga ito. At ang aura ay medyo nakaka-intimidate ang dating.
Pahabol pa siyang nagpeace sign.
"Alam ko naman 'yon pa, sorry. Pero, kasi sunod-sunod na ang mga 'yan na nababalita sa tv oh, baka sa susunod ako na ang nandyan," pagbibiro niya pero mukhang sineryoso ng kanyang magulang dahil parehong sinigaw ng mga ito ang pangalan niya.
"Michigan!"
"I'm just kidding, kayo naman po."
Umiling at humalik naman ang ginoo sa kan'yang asawa pagkatapos ay kinuha ang remote sa tabi ng inuupuan ni Michigan kanina at pinatay ang telebisyon.
"Baka nga anak," biglang sabi nito kaya't napatingin siya rito.
"What?" nanlalaking matang tanong niya. "Binibiro lang pa e, hindi naman siguro! Atsaka, joke-joke lang talaga 'yon! Alam mo naman na takot ako sa mga gano'n, feeling cool lang ako," nakalukot na ang kan'yang mukha habang nagpapaliwanag kaya't natawa ang kan'yang ama.
Laging ganyan ang kanyang ama. Madalas siyang pagtripan, minsan hindi na niya masabayan. Pero, kahit na ganyan e, close sila! Kahit na ito pa ang Hepe ng pulisya sa lugar nila, hindi ito istrikto, at cool na cool lang.
Ginulo nito buhok niya. "Ang ibig kong sabihin baka isa ka na sa mga magreresolba ng mga krimen na 'yan balang araw kaya makikita ka sa loob ng telebisyon."
"Ang ibig mo bang sabihin gusto mong maging pulis ang anak natin?" sabat ni Minerva.
Nagkibit-balikat ang ginoo. "Malay mo," anito at ngumiti sa anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/27217264-288-k167797.jpg)