Final Chapter

1.6K 50 6
                                    

FINAL CHAPTER

"Rhanna!" sinalubong ni Waxx ng yakap ang kakarating lang na dalaga sa headquarter. Nabigla pa nga si Rhanna sa inasta ng binata ngunit ginantihan niya nalang din ito ng yakap. Natanaw naman niya si Michigan na nakahiga sa may sofa at halatang pagod na pagod ito.

"Waxx... sila V-vinch... hindi ko alam kung nasaan sila. Pagdating ko do'n wala na—"  pinahinto ng binata si Rhanna sa pagsasalita. Hinawakan niya ito sa magkabilang kamay.

"It's not your fault, wala kang kasalanan. Okay?" pagpapagaan niya ng loob nito. Nakita niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalala at tila pagod na pagod na rin dahil sa dami ng nangyari buong araw. "Mas mabuti pang magpahinga kana muna," hindi masabi sabi ni Waxx at tila may bumabara sa kanyang lalamunan upang buksan ang usapin tungkol sa kapatid nito. Gusto niyang kompirmahan kung tama ang hinala niya ngunit hindi niya magawa. Hindi pa ito ang tamang oras.

"Kailangan malaman ni Alex 'to!" biglang sambit ni Rhanna. "S-si... dad, kailangan may magawa siya," mahina niyang sinambit ag huling pahayag.

"Nasa loob sila ng conference room, nag-uusap usap. Doc Alex's dad is there too, kakarating lang din niya kanina. Take a rest Rhanna, I'll take care of everything. May kailangan din akong sabihin sa kanila," seryosong giit ng binata habang inayos ang pagkakatayo at sumulyap kay Michigan na unti unting gumagalaw mula sa pagkakapatong ng ulo sa headrest ng sofa.

Mabilis naman na nilapitan ni Rhanna si Michigan. Namamaga ang mga mata nito na halatang nakatulog dahil sa pag-iyak. Walang nagsalita sa kanila nang magtama ang kanilang mga mata ngunit tila may sariling isip ang kanilang mga katawan dahil bigla nalang silang nagyakapan. Sabay na umiyak sa kanilang mga balikat.

"I'm sorry Rhanna," nanginginig pa ang boses at lalamunan ni Michigan nang sabihin niya 'yon. Punong puno ng emosyon. "Sorry for accusing something you didn't do. I'm sorry," nagraragasa lamang ang mga luha sa kanilang mata habang mahigpit na nagyayakapan.

"It's okay Gan... it's okay," mahinang bulong ni Rhanna dito. "Everything will be okay,"

****

"P-pa..." huminto si Michigan at huminga ng malalim. Nagbabadya na naman ang mga luha sa kanyang mata, napakahirap para sa kanya na ipagkanulo ang kaibigan. Napakahirap para sa kanya na sabihing si Cark ang may kagagawan ng lahat. Napakabigat sa dibdib, gusto niya nalang takasan lahat ngunit hindi niya magawa. Kailangan niya itong harapin, kailangan ng tapusin ang lahat. "It's Cark..." mahinang giit niya at yumuko. Pumikit at pinigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata ngunit napangisi nalang siya nang mapakla ng malasahan niya ang maalat na butil ng tubig na bumaba sa kanyang bibig.

Kumunot ang noo ng hepe, maging si ama ni Alex at ang ibang kumander na kasama nila sa loob ng malamig na silid na 'yon. Hindi rin nakaligtas kay Rhanna ang pagkalito sa sinabi ng kasamahan.

"Who's Cark?" nalilitong turan ng hepe.

Ini-angat ni Michigan ang kanyang ulo at nagtama ang paningin nila ng kanyang ama. "Cark Estrada," tila tinutusok ang kanyang puso habang binabanggit ang pangalan ng kaibigan. "It's him..." dagdag niya pa at mabigat na bumuntong hininga.

"Estrada?" sabay na sambit ng hepe at ng ama ni Alex, nagkatinginan pa ang mga ito. Mas lalong nagseryoso ang hilatsa ng kanilang mukha at ibinalik ang tingin kay Michigan.

"By any chance kid, is he related to Zaldy Estrada?" may pagkakunot noong tanong ni Michael sa anak. Maging si Alexander na siyang ama ni Alex ay hinihintay ang kanyang sagot.

"H-how did you knew his father?" naguguluhang giit ni Michigan sa kanila.

Bigla namang napapalo si Alexander sa mesa na ikinabigla ng lahat. "Zaldy, he is all behind this! Hindi pa rin niya napapatawad ang dating Agency na pinatatrabauhan niya sa nangyari sa mag-ina niya! But bullshit, he is part of AX4. He must know the consequences of being an agent," pigil ang galit sa tono ng kanyang pananalita.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon