Chapter 13 - Partnership

2.4K 78 13
                                        

xxxx

AX4

PARTNERSHIP

"PA! May ano... sasabihin sana ako," pagbungad ni Michigan sa kanyang ama pagpakarating niya sa police station kung saan Hepe ito.

Nasa loob sila ng opisina ni Chief Forteza. Malamig sa loob dahil sa aircon na nakasindi. Malinis at kakaiba atmospira marahil siguro'y isang mataas na pulis ang siyang nagmamay-ari ng opisinang 'yon.

May isang kahoy na lamesa at shivwel chair na nasa likod ng mesa. Sa harap nito'y dalawang malambot na upuan.

Sa gilid nama'y mayroong itim na sofa na tama lang ang haba. May mini table rin do'n na kapartner ng sofa. May bilog na itim na carpet sa ilalim nito.

"About what kid?" tanong ng hepe sabay ikot sa kanyang upuan. Nakalagay din ang dalawa niyang kamay sa kanyang tyan.

Lumukot ang mukha ni Michigan at pinalo ng bahagya ang mesa.

"Pa! Alam kong alam mo na tapos itatanong mo pa?" inis na saad niya kaya't natawa ang kanyang ama sa ekspresyon niya.

"Sabi mo kasi may sasabihin ka," sagot nito at ningisian siya.

"You're such a headache," bulong ni Michigan. "Bakit kasi sa mga drug addict mo ako ilalagay? Gano'n mo ba ako kamahal? How sweet!" sarkastikong niyang sambit.

Bigla namang nagseryoso ang hitlasa ng mukha ng Hepe at umayos ng upo, ipinatong nito ang magkabilang kamay sa mesa. "Makinig ka sakin anak, hindi kita pwedeng ilagay sa kidnapping case dahil hindi mo pa kaya, I mean you don't have enough knowledge on fighting those goons. It was your fault, I enrolled you on taekwondo, karate, jiu jitsu, and so on and so forth. But what did you do? Tumakatakas ka lagi! So, tell me kid do you think you can beat those kidnappers?"

Michigan was taken aback by his father's question. On some part, she knows her father has a point. Siya lang talaga itong makulit na ayaw tanggapin na sa mga drug addict siya naatasan.

"Fine you won," walang gana niyang sambit. "Pero seriously Pa, drug addicts? Baka pagbalik ko hindi na ako matino!"

"Bakit matino ka ba?" mabilis na pahayag ng hepe na siyang lalo ikinainis ni Michigan.

"I hate you!"

"I thought you will never hate me?" pang-aasar pa nito.

"Drop that thought!" aniya at biglang nagseryoso. "Paano si Mama? Sasabihin ba natin sa kanya? Kaso, kapag sinabi natin kapag atakihin 'yon sa puso!"

Natahimik saglit ang Hepe at tila nag-isip. Nakatingin sa kawalan. Hanggang sa bumaka na ng kusa ang bibig nito.

"Naguguilty ako sa pagtago nito sa Mama mo, pero hindi pa natin pwedeng sabihin sa kanya ngayon. Siguro, sa tamang panahon." At biglang itinuloy sa isip ang gustong sabihin.

Tamang panahon at kung handa na itong kamunghian ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.

Ngayon palang ang laki na ng pagsisisi niya dahil sa naging desisyon niya sa nakaraan. Dapat hindi na niya idinamay ang kanyang anak sa trabaho. Buong buhay niya ginusto niyang makatulong. Solve cases and such. He was obsessed by the fact that her daughter can do much better than what he did.

A new generation of hero. A new generation of AX4 Agents. Yes, before he became the Chief of his station. Michael was once an agent, the leader of AX4 in his time and he considered it as one of the best thing that happened in his entire life.

"Pa?" sambit ni Michigan at pinalo ang mesa sa pangawalang pagkakataon. "You're daydreaming!"

Tila do'n lamang nabalik sa realidad si Chief Forteza matapos sakupin ang kanyang isip ng mga bagay na gumugulo sa kanya.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon