Chapter 35 - Thoughts

1.2K 49 2
                                    

Chapter 35

 Thoughts

“Vinch, bakit at paano ka napasama sa AX4?” tanong ni Michigan sa binata habang nasa loob sila ng isang parke. Hinihintay nila sina Waxx at Rhanna, dahil may usapan sila dito.

Ngumisi si Vinch at ginulo ang buhok ni Michigan habang naka-upo sila sa may damuhan. Napakapresko ng simoy ng hangin at ang sarap namnamin. Malamig ngunit nakakagaan ng pakiramdam lalo na’t maraming puno ang nakatayo sa paligid.

Malinis at maraming tao ngayon lalo na’t mga bata. Naglalaro. Naghahabulan. Nagsasaya at tila wala silang problemang inaalala.

“Wag mo ngang guluhin ang buhok ko!” singhal ng dalaga at tinampal ang kamay ng binata kaya’t natawa ito. “Sumagot ka nalang kasi!”

“Oo na! Ang highblood mo naman,” anito sabay buntong hininga. “Syempre dahil sa special ability ko. Ano ka ba naman Gan,”

“Hindi!” mabilis na sagot ng dalaga. “What I mean is, paano ka ba nagkaro’n ng special ability? Siguro ako kaya meron dahil ex agent si papa ng AX4. Eh, ikaw? Do you have any relatives or what na part ng AX4 dati?”

“Wala e,”

“Luh. So, paano ka nagkaroon ng special ability?” namimilog ang mga mata ng dalaga habang tinanong ‘yon kay Vinch.

“Secret,” pag-aasar ng binata.

“Aish! Sabihin mo na!” pamimilit nito.

Biglang ngumuso ang binata kaya’t napa-urong si Michigan. “Kiss mo muna ako!” bulaslas ni Vinch at mas lalong inihaba ang kanyang nguso.

“Gago!” sabay ngiwi nito.

“Oh, chill!” sabay halakhak niya. “I’m just kidding... you know what Gan, ngayon ko lang ito sasabihin kaya’t makinig ka ng mabuti, aryt?” tumango ang dalaga bilang sagot kaya’t ipinagpatuloy ng binata ang kanyang sinasabi. “I’m not really part of AX4...”

“H-ha?” nakangangang tanong ni Michigan.

“But destiny finds a way, kaya ako napabilang sa inyo. Hindi ko ‘yon pinagsisisihan gusto ko ang ginagawa ko. Kahit minsan akala niyo binibiro ko lang ang bawat galaw ko, hindi. Mahal ko na ang ideya na nakakatulong ako sa iba..” sabay ngiti nito sa dalaga.

“Wait hindi ko ata gets,” singhal ng dalaga. “Anong ibig sabihin mo at nadamay si destiny?” kunot noo niyang tanong.

“When I was a kid, nagbakasyon lang kami dito ng parents ko. I was walking here, dito sa park na ‘to. Ako mag-isa, dahil tumakas ako no’n sa bahay ng tita ko dahil nabobored ako. Then someone asks me, do you want to be a hero? Wala akong pag-aalinlangan na tumango, it was my dream. I want to be like spiderman, superman, batman at kung sino pang superhero na iniidolo ko. I like the idea of helping kaya’t nang may opportunity na lumapit saakin, I grab it without having a second thought. That kid who asks me, he gave me something... parang potion na nasa loob ng maliit na bote. He said, inumin ko daw ‘yon at magiging superhero na ako. So I did...” ngumiti siya kay Michigan na taimtim na nakikinig sa kanya. “I even asks him kung bakit hindi siya ang uminom no’n, ayaw niya bang maging superhero? But you know what he said, superhero na daw ang daddy niya so hindi na niya kailangan ‘yon. Mapoprotektahan daw niya ang mga mahal niya sa buhay dahil malakas siya at may tiwala siya sa daddy niya... and that’s my story ends..”

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon