Chapter 38
Breakdown
“Nooooo!” sigaw ni Michigan nang makitang nagfaflatline na ang machine na nakakonekta kay Vinch. Dali dali nitong kinuha ang dalawang tila hugis plantsa kahit na rumaragasa ang luha sa kanyang mukha, natatakot ang ekspresyon nito.
Pinagkiskis niya ang dalawang bagay. “C-clear!”sabay lagay sa dibdib ni Vinch.
“Clear!”
“Clear!”
“Clear!”
“Michigan... o-okay na. Stable na ulit mga vital signs niya,” sambit ni Lei sa kanyang kaya’t nabitawan na niya ang defibrillator at bumagsak siya sa sahig paupo. Nanghihina siya, hindi lang pisikal pati emosyonal. Nanginginig na naman ang buong sistema niya sa takot. Paano nalang kung tuluyang tumigil ang pintig ng puso ni Vinch? Paano nalang kung mawala ito sa kanila ng gano’n nalang? Paano nalang kung hindi niya naligtas ang binata?
Maririnig din sa loob ang maliliit na hikbi ni Rhanna habang nakatingin sa katawan ng binata. Nakatulala lang ito habang pinagmamasdan si Vinch. Maging si Waxx nanahimik at halatang pinipigilan ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mata.
“I..I’ll just call Jhay, I think Vinch needs blood..” mahinang sambit ni Lei sabay iwas ng tingin sa nakahigang Vinch. Hindi na niya ito matignan ng matagal dahil bumabalik sa kanya ang ala-ala ng nakaraan. Hindi na niya kakayanin na may isa pang taong pinapahalagan niya ang mawala. “And, itatransfer natin siya sa ospital na pagmamay-ari nina Doc Alex..”
Hindi na siya nagpa-alam at kusang lumabas ng silid na ‘yon.
Naiwan ang tatlong may malay tao. Mararamdaman mo ang tensyon sa pagitan nila. Mabigat. Napakabigat. Para kang nasasakal at hindi makahingi sa aurang ipinapakita ng mga katawan nila.
“What happened Rhanna?” malamig ang tinig ni Michigan nang tanungin niya ang kasamahan na tila napako sa kanyang tinatayuan. Malamig din ang mga tingin na ipinupukol nito sa dalaga. “W-what did you do to Vinch?”
“Michigan, magpahinga na muna tayo...” pag-aawat ni Waxx. Hindi ito ang tamang lugar upang pag-usapan nila ang bagay na ‘yon. Sa ngayon ang kailangan nilang intindihan ang tuluyang kaligtasan ni Vinch. Kailangan nilang makasigurado na maayos na talaga ang kalagayan nito.
Suminghap si Rhanna at bumaba ang tingin kay Michigan na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin ang malamig na sahig.
“Are you gonna blame me?” mahina ngunit puno ng emosyon na tanong nito pabalik.
“Bakit hindi Rhanna? Hinahanap mo si Vinch kanina pagkatapos babalik kadito ng nag-aagaw buhay siya. Did I just made a sense?” namumula na ang mata at ilong nito dahil sa pag-iyak kanina. Hanggang ngayon may mga luha pa rin ang namumuo sa kanyang mga mata.
“No you don’t!” sigaw ni Rhanna. “Michigan, as if it’s me who pulled the trigger and shoot him. You know I can’t do that!”
