Chapter 22 - Behindhand

1.5K 60 19
                                        

Chapter 22

Behindhand

“Tell me more Pau!” ani Michigan na tutok na tutok ang mukha sa screen ng laptop na hiniram niya kay Lei. Hanggang ngayon nag-uusap parin sila ng kaibigan. “Or better yet, umalis ka diyan at pakibigay nalang kay Cark at kami ang mag-uusap!”

Naglukot ang mukha ng dalaga sa sinabi niya. “How dare you Michi! Hindi porke’t kasama ko si Kuya, itchapwera mo na ako? Paano pa kaya kung umuwi na kami ng Pinas diba?”

Napatakip ng bibig si Michigan gamit ang dalawang kamay. “Did I heard it right?” tanong niya. “Uuwi kayo ng Pilipinas? For real?” nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang itinatanong ‘yun.

Ngumisi ang may blonde na buhok na nagngangalang Cark. “Yes, Michigan.” Anito. “For real,” sabay kindat sa dalaga.

“Cheese wiz! Wag kang magpacute sa akin Cark, please lang.” Aniya sabay tawa kaya’t natawa din ang nasa kabilang linya.

“Why?” nagtatakang tanong ng binata.”Effective pa din ba?” sabay tawa niyang muli. Napa-iling nalang si Michigan ngunit natawa nalang din ito.

Si Cark ang kapatid ng kaibigan niyang si Pauline, nagkakilala sila last year noong nasa Pilipinas pa ang binata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naging crush siya ng dalaga ngunit nang umalis ito sa Pinas patungong Australia, hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ulit. Kaya’t yung paghangang naramdaman ng dalaga ay nawala. Ngayong naka-usap na niya itong muli, isang kaibigan nalang ang turing niya dito. Kung gaano sila kaclose ni Pauline, ganoon din sila kaclose nito. Kaya’t kahit na mas atanda ito sa kaniya ng dalawang taon.

Napa-irap ang dalaga sa sinabi niya. “In your face, hindi porke’t blonde na ‘yang buhok mo magiging crush ulit kita. Dream on Cark!” aniya.

Napahawak naman sa dibdib ang binata na tila nasasaktan. “Ouch, that hurts!” aniya ng pabiro. Binelatan nalang siya ng dalaga.

“By the way, when are you coming back here?” tanong niya. “I missed you, really!”

“Next week,” mabilis na sagot ni Cark. “Why, are you excited?” tanong niya sabay ngisi.

Umiling si Michigan. “No!” aniya. “But honestly, yeah...”

Sasagot pa sana si Cark ng biglang takpan ni Pauline ang bibig niya gamit ang kamay niya. “Shut up, brother! Baka nakakalimutan niyo po, nandito pa ako! So, please...” sabay tulak niya sa binata. “Get out of here! Bestfriend ko ‘yung inaagaw mo sa akin kaya, go away!”

Natawa nalang si Cark at tumayo sa may couch. “Let's talk about, possesiveness,” aniya at umiling. Sinulyapan niya pang muli si Michigan sa screen bago umalis. “See you soon,”

“Why did you do that?’ nakangusong tanong ni Michigan noong nakaalis na si Cark. Tinignan naman siya ni Pauline na tila hindi makapaniwala. Sumimangot siya rito.

“I hate you Michi!” anito. “Don’t you love me na? Like, hey!”

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon