Chapter 20 - Alteration

1.9K 65 15
                                        

Chapter 20

Alteration

“Pangalan at ilang taon?” tanong ng isang police officer na naka-upo sa harap ng isang typing machine. Nakatayo sa harapan niya ang apat.

“Nako Mamang police na pogi! Hindi naman kami kasama doon sa gulo e,” mabilis na sagot ni Vinch atsaka ngumuso sa harap ng pulis. “Wag mo na kaming idamay kasi hindi kami kasali talaga, promise!”

“Hindi maari, pangalan at ilang taon?” ulit muli nito.

“Fuuuu! Teka lang manong, wait ka lang dyan!” aniya atsaka hinarap ang mga kasama. “Guys, 18 na ako! Ibig sabihin ba noon makukulong ako?” nanlulumo niyang tanong. Bigla naman napangiti si Michigan at tila nawala ang kaba sa dibdib.

“Si Waxx ang pinakamatanda sa atin dito 19 na kaya siya, makukulong din siya. Ikaw Rhanna, diba 18 kana?” tapos ay ibinaling nila ang tingin kay Michigan.

“Ilang taon kana Gan?” sambit niya.

Hindi na talaga napigilan ang pagngiti ni Michigan. “17 palang ako!” taas noong sambit niya. Bigla naman silang napatalon sa gulat ng dumapo sa kanila ang lumilipad na sapatos. Sabay sabay silang napatingin at nakita nilang nakatayo sa tabi ng pintuan si Alex na may galit na ekspresyon, sa likod nito ay si Lei.

Mabilis naman na lumapit si Vinch doon sa Police officer at hinila ang mga kasama. Inilahad nito ang kamay niya. “Manong, ikulong mo nalang pala kami!” aniya na tila natataranta sabay sulyap kay Alex na papalapit na sa kanila. “Bilisan mo! Natatakot na ako para sa buhay namin!"

****

“Bilisan niyo, mag-uusap tayo sa base!” pagalit ang tono ng boses ni Doc Alex matapos ayusin ni Lei ang gusot na ginawa nila sa ibang stasyon ng pulisya. Nauna ng naglakad palabas ang Doktora sa presinto, pagkatapos ay si Lei.

Nagkatinginan naman ang apat. Tila, kinakabahan ang apat at natatakot para sa sarili niya. Hindi basta basta nagagalit si Doc Alex. Kahit minsan, nakaka-intimidate ang dating niya dahil na rin sa trabaho niya ngunit iba ang kaso ngayon alam nilang galit ito sa kanila.

“Oh fuuuu! Nagawan nga natin ng paraan para maka-iwas sa gulo, pero mukhang dito wala na tayong lusot! Dragona kung magalit ‘yang si Doc Ganda!” panimula ni Vinch sa kanila habang naglalakad na din. Wala kasing umimiik sa kanila kaya’t siya na ang naglakas ng loob upang magsalita.

“Don’t worry Guys, aakuin ko lahat ng kasalanan.” Sambit ni Rhanna kaya’t nahinto sila. “It’s my real fault, anyway.”

Umiling si Michigan. “Hindi,” aniya. “Sabi nga sa akin ni Waxx, wag ganyan. Team tayo dito diba? At isa pa, sa palagay mo papabayaan ka namin? No way!”

Bigla nalang nag-init ang sulok ng mata ni Rhanna sa narinig ngunit pinigilan niya ito. Hindi na siya pwedeng maging mahina, kailangan niyang tatagaan ang loob niya. Ngumiti nalang siya kay Michigan.

“You’re sweet as cheese!” aniya. “In short, corny!” sabay tawa niya ng mahina kaya’t natawa nalang din silang apat.

AX4 (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon