Chapter 1
*The BIGinning*
RIIIINGGGGGGGGGGGGGGG!
Ay kabayo! Ang ingay naman nitong alarm clock na toh. Teka anong oras naba …
HALAAAAAAAAA GRABEEEEEEEEEEE! LATEEEEEEEEE NAAAA AKOOOOOOOOOOO!
First day na first day eh. Fourth year high school na nga pala ako sa Heartstring Academy. Hay… Sino sinu kaya ang magiging mga kaklase ko? Sila sila pa din ba kaya? Sana sila pa din. Wala na kasi akong naging communication sa kanila simula nung nagbakasyon eh.
Teka teka sinong sila? Commoner pala ako, walang nakakakilala at madalas walang kausap
Anyways, Ako nga pala si Clarisse Hernandez. Yes! Last year na toh. Itotodo ko na toh!
TOK TOK!
"Ay tumalon…"
"Ang alin?"
"Wala po ma."
"Anak maligo kana at kumain hinihintay ka na ng mga kapatid mo first day na first day late na late kagad. Tsk tsk… puyat kasi ng puyat"
"Pano di mapupuyat ang pogi at ang ganda kaya ng boses ng crush ko na si Nichkhun. Kagabi kasi nagfull marathon ako ng mga video at songs niya grabe ang pogi niya. Hayy.. sana makita ko siya sa personal. Ohhmuuuuu!!!"
"Ahh sige ma. Lalabas na po."
"Bilisan mo."
Si mama talaga. Hayy basta ang pogi talaga ni Nichkhun siya lang wala ng iba. Mas mabuti nang ma-inlove sa mga idol na yan kaysa sa ibang tao na sasaktan ka lang.
***
Kumusta na kaya si…
"Ate bilisan mo naman malalate na pati kami eh."
"Oo sandali lang matatapos na ako magbihis."
Hayy sa wakas nakalabas na din ako ng bahay. Ito kasing dalawang makulit kong kapatid eh, aasikasuhin pa. Hayy napakadaming trabaho nakakapagod na. Sana may extra income ako (joke lang) hehe sapat ng maalagaan ko silang mga kapatid ko love na love naman nila ako eh.
Hayy traffic nanaman. Araw-araw naman kasi eh. Buti sana’y na ako. Makapaglakad nalang muna.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEP* *BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*
"Ahhhh …"
"Huh huh huh. Patay na ba ako? Wag niyo muna ako kunin Lord meron pa akong dalawang kapatid na aalaga …"
*Pak*
"Ahh. Aray ha.'
"Sorry napalakas. Ano kaba bessy buhay na buhay ka pa binusinahan lang kita isasabay na kita."
Si Cindy San Miguel nga pala ang bestfriend ko at wala ng iba. Ako lang kasi ang nakakaintindi sa ka weirdohan niya. Sobrang adik sa KPOP. Pati tuloy ako nahawa.
"Ohh sige tara na. Pero friend ilibre mo muna ako ng lunch mamaya. Pambawi dun sa sampal na ginawa mo ang sakit kaya."
"Hmmm…"
Nag-isip pa eh. Ang yaman naman niya. Ang daming pambili ng mga KPOP stuffs. Hayy nako!
"Oo na!"
"Okay tara na!"
Pagsakay ko ng sasakyan niya KPOP ang tugtog.
(Meori buteo palkkeutkkaji Hot Issue Ho!
Naemodeungeot hanahana Hot Issue
Moduda Take control (Moduda Take control)
Nan hangsang Hot it Hot it Hot it Hot it I I I I I I Issue)
"Uy bessy, sana magkaklase pa din tayo."
"Oo nga bessy!"
"Uy updated ka pa din ba friend sa mga KPOP idol natin?"
"Oo naman… lalo na kay Nichkhun <3"
"Nickhun nanaman… Basta akin si Key <3"
Nagtawanan nalang kami. Mga loka loka~!
"Baba!"
"Anong baba? Mahaba ba yung baba ko? May mali ba sa baba ko?"
"Baliw! Masasampal nanaman kita niyan. Nandito na kaya tayo, sa Heartstring Academy! Baba na!"
Hayy.. akala ko naman.
"Okay."
'Dadaan muna ako sa CR. Kanina pa talaga ako naCCR eh.'
"Okay bessy. Kita nalang tayo sa cafeteria mamayang lunch. Yung treat mo sakin ha."
"Okay. Bye!"
"Bye."
Mahanap nga yung magiging room ko… Medyo madami na din pinagbago yung school ahhh. Marami na ding ibang mukha. San kaya yung room ko? Ano kayang section ako? Sana ganun pa ...
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng may nakabanggaan ako.
"ARAAAYYYYYYYY!"
This is the BIGinning to change everything in my life.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...