Chapter 8 *Bully*

463 10 0
                                    

Chapter 8

*Bully*

[Cindy's POV]

Patay...

Sa tingin ko pagtitripan ako ng lalaking ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nanigas ang mga paa ko. Nakatitig pa din ito sa akin kahit nailayo ko na ang sarili ko dito. Kailangan kong tumakas...

Ahh alam ko na!

"Annyeong haseyo~!"

"Anong na sakin?"

"Annyeong haseyo."

"Psycho kaba?" nasaktan ako sa sinabi nito.

"At bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na teritoryo ng mga ka frat members ko to?"

Nilakasan ko ang loob ko.

"Ahh... nagpapahangin lang, nakita ko kasing malamig sa pwestong ito kaya dito ako nagpunta."

Buti mabilis akong nakalusot.

"Ahh... malamig ahh... bakit yung pawis mo sa noo, ga-mais?"

Hindi ko napansin na pinagpapawisan na ako sa sobrang takot dito at kaba.

"Ahh... ang hirap kasi ng pinag-aaralan ko ngayon logic sa isip ko lang ito sinasaulado at tsaka hindi nga pala ako "psycho"!"

"Kung hindi ka psycho, eh bakit ganyan yang itsura mo full bangs nakatali yung buhok mo ng ponytail ba yan at napakakulay ng damit mo? Hindi pa naman fiesta ahh.. May bandera na kagad."

Kailangan kong ipaglaban ang sarili ko.

"Hindi po ito ponytail, "pigtail" ang tawag dito." sabay turo sa buhok ko.

"At kaya ganito kakulay ang suot ko kasi ganto din kakulay ang buhay ko.

KPOP kasi ako."

"Ahh KPOP.. yun ba yung kung anu-ano ang mga pinagsasabi tapos parang mga ditzy? Tulad mo."

Mukhang tuloy tuloy pa din ito sa pambubuwisit sa akin. Clarisse sana nandito ka at tinutulungan mo ako sa sitwasyon kong ito.

"Hindi ako ditzy !"

"Ehh ano? Baliw baliwan?"

"KPOP nga ako. Mahilig lang talaga ako sa KPOP at isa pa art itong ginagawa ko. It was my passion and this way maipapakita ko ang pagiging fashionable at resourceful ko. Na-eexpress ko ang feelings at sarili ko kaya ganto ako."

"Okay fine. Psycho girl."

"Hindi nga ako psycho!"

"KPOP. Capital K-P-O-P o Korean Pop!"

Mukhang hindi umubra ang pagpapaliwanag ko dito at binubuwisit pa ako nito.

"Hindi kaba naiinis kapag sinasabihan ka na para kang baliw? o kakaiba sa ibang tao?"

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon