Chapter 5: *The Angel's Eye*

530 12 0
                                    

Chapter 5

*The Angel’s Eye*

 

[Clarisse's POV]

ALONE…

Alone nanaman ako dito sa mall. Si Cindy lang kasi ang puwede kong makasama dito sa mall. Tapos siya pa ang hindi sumama, madalas ko kasi siyang kasama pagpumupunta ng mall. Siya pa ang palaging nagyaya. Ewan ko nga dun eh.

"San kaya magandang magpunta?"

 

Sa Timezone kaya? Bluemagic? O manuod nalang ako ng sine mag-isa? Andaming choices pero parang ang hirap mag-decide....

Hirap mag-isip. Kasi naman si Cindy eh. Hindi ako sinamahan. Pero bakit kaya siya nagmamadali? Wala pa namang assignment at activites? Kakaloka talaga yun.

Ahhh! Alam ko na. Sa National bookstore nalang muna. Siguro titingin muna ako ng mga new release na mga pocketbooks pati ng mga korean magazines. Tiyak na maaliw na ako dun.

Okay nandito na ako makapunta nga sa romance book section. Ayun nakita ko na.

Ano kayang maganda dito...

Ayy mukhang maganda to ahh. “The Angel’s Eye”, gusto ko tong basahin mabasa nga yung quote sa likuran ng pocketbook na toh.

“I could not tell you if I loved you the first moment I saw you, or if it was the second or third or fourth. But I remember the first moment I looked at you walking toward me and realized that somehow the rest of the world seemed to vanish when I was with you.”

 

Love at first sight ang theme nito ah?

 

Kalurkey! Di totoo yan. Siguro kay Nichkhun ko lang madadama yan, pag nakita ko siya in personal. Bibilin ko na toh mukhang maganda naman at saka tingin ko naman magugustuhan ko din toh.

***

Hayy... nakakapagod. Pero okay lang dami ko namang napamiling pocketbook at nabasang mga magazine about korean haha. Sayang nga lang hindi ko nabili ang pinakamagandang magazine na nakita ko, si Nichkhun yung cover. Ohmmuuu... kakahinayang...

Saan kaya magandang puntahan sunod ? Siguro sa Timezone na pampaalis ng stress.

Tama sa timezone nga. I want to play basketball hehe.. Para din mawala ang lahat ng bad vibes ko sa school.

"Miss pabili nga ng 10 na tokens."

"Eto na po."

"Salamat miss."

"Yes! Shoot."

"Oppsss…"

"Shoot!"

"Shoot nanaman!"

"Yes!"

"Hihihi…"

"Engkkk"Wala ng bolang nalabas.

"Game Over!"

 

Hayy okay lang yan naka 3 rounds naman ako. Makapunta nga sa King of Hammer. Evertime na naglalaro ako nito naalala ko si papa. Palagi kasi siyang 100 points dito eh. Hayy.. nakakamiss talaga siya. Sana nandito nalang siya.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon