Chapter 19
*Community Service*
[Clarisse’s POV]
Ano kaya ang ginagawa ng lalaking ito dito? Bakit kaya siya nandito?
Pumasok siya sa loob ng club namin. Ano kayang gagawin nito. Tumakbo ako para sundan siya, baka kung ano ang gawin niya sa club namin.
Paglabas niya ng kwarto, nakapagtataka kasi meron siyang suot na gloves at may dala dalang timba ng tubig, mop, may walis at dustpan sa likod niya. Maglilinis siya?
Kinuha ko na din yung mga gamit ko na panglinis. Nakita ko si Jason na papunta sa laboratory, susundan ko siya. Pagpasok niya sa laboratory sinimulan na niyang lampasuhin yung floor ng lab. Tinitingnan ko siya habang nagwawalis ako na nasa labas at natatanaw siya.
Mukhang yan ang naging parusa niya dahil sa pagiging late niya kanina. Napansin ko din kasing dumadalas ang pagle-late niya. Hay naku Jason, late ka kasi ng late ayan tuloy.
Nakita ko na ang mga kasama ko sa community service para linisin ang iba’t ibang rooms, naipagtanong ko na din kung bakit si Jason ay naglilinis. Sabi nila yan nga daw ang naging parusa niya sa pagiging late, 1 week siyang maglilinis at tutulong sa community service club, sabi ko na nga ba tama ang hinala ko.
Nakakatawa ito habang pinapanood ko siyang naglilinis may pagkakataon pang nadulas ito at bumagsak sa sahig. Nakakaaliw para talagang hindi siya naglilinis ng bahay. Hanggang sa huminto ito sa pagkilos at tumingin sa akin. Inalis ko ang tingin ko baka kasi kung ano ang isipin nito. Pinagpatuloy ko na ang pagwawalis.
Nang makabawi na ako tumingin ulit ako sa kanya nakita kong nagliligpit na siya ng mga gamit na panlinis. Hindi ko namamalayang may dumadaan pala at hindi ko sinasadyang mawalis ko siya.
"Yuck!" Sigaw nito.
Nakita ko si Candice nanlilisik ang mga mata sa akin, patay tiyak na gagantihan ako nito.
"Sorry Candice hindi ko sinasadya, di kita napansin."
"Parati nalang bang ganito ang magiging eksena natin, na hindi mo ako nakikita? Bulag ka ba o nagtatanga-tangahan?"
"Hindi ko lang talaga napansing padaan ka. Sorry talaga."
"Clarisse alam mo, hindi na uubra yang sorry na ginagawa mo."
Biglang gumalaw ang mga kamay nito at tinaas iyon, alam ko na ang susunod na mangyayari, sasabunutan ako nito.
Nahawakan ko ang braso niya, nagpupumiglas naman siya. Hanggang sa ihagis ko ang braso niya paibaba. Nandilat ang mga mata nito. Hindi ko namalayang nakalmot ako nito sa braso, dumudugo iyon. Hindi ko inaasahang bigla ako nitong itutulak, napakalakas nun, kaya napabagsak ako sa lupa. Ang sakit ng likuran ko parang nabalian ata ako. Hindi pa tumigil si Candice at binuhat nito ang trash bag na pinaglalagyan ko ng kalat at ibinuhos nito sa akin.
Napa-iyak nalang ako sa lupa dahil nawalan na ako ng lakas para tumayo at lumaban. Iniwan ako ni Candice.
May narinig akong mga yabag, at may naaninag akong isang bulto na lumapit sa akin at tinanggal ang mga basura sa katawan ko. Patuloy pa din ang pag-iyak ko, hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Buti nalang napakabuti ng loob nito at tinulungan ako, ikinagulat ko ng bigla niya akong buhatin. Habang pangko ako nito laking gulat ko kung sino ang tumulong sa akin, si Jason iyon.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)