Chapter 37 *Saranghae Couple*

261 5 0
  • Dedicated kay Camille Pasao
                                    

Chapter 37

*Saranghae Couple*

[Kevin's POV]

Buti pwede na akong ilabas ngayon... Panigurado hinihintay na ako ni Cindy... Hindi pa din naglalaho yung pagmamahal ko sa kanya. Pero marami pa ding nangyari sa mga nakaraang araw eh pati nung wala akong malay...

Bago magsimula yung riot... Actually, mali ang nagawa ko eh. Dapat hindi ko na sinimulan yung riot. Maling mali talaga kasi hindi pala talaga sinabi ng Android Omega yung plano para kay Cindy at kusa lang nitong narinig iyon... Gusto ko ng tapusin iyon eh dahil mahal ko na talaga si Cindy ng mga oras na iyon... Pero hindi ko inasahang parang mawawala ako sa sarili nung hindi ako patawarin ni Cindy...

Nagsimula yung riot sa harapan ng school. Mga 8PM na siguro iyon... Alam kong mananalo kami sa oras na iyon dahil biglaan ang ginawa kong pagsugod at saktong konti lang ang natitirang Android Omega noon. Pero nung kalagitnaan at parang pasuko na yung Android Omega may dumaan na lalaki dun at alam kong mapapahamak siya. Kaya pinuntahan ko siya alam kong mali ang ginagawa ko eh pero no choice at tinulak ko yung lalaki... Tapos biglang may malaking bato na tumama sa ulo ko. At pinagsasapak at sipa ako na hindi ko na alam... Ang natatandaan ko nalang ay si Jason iyon... Jason Standford yung lalaking dumaan sa gitna....

Tapos buti nalang kayla Jason yung hospital na pinagdalhan sa akin at nalaman ko din na yung papa niya yung pinakahead doctor doon. At sinabi ni mama sakin na yung pamilya nalang ni Jason yung bahala sa lahat ng gastos tutal naman niligtas ko yung buhay niya.

Isa pang balita ko ay muntik na akong ma-expel at buti nalang umamin si Renz sa pagkakamali din nila. Pero may mali pa din ako dapat hindi ko nalang sila ni-riot edi sana ngayon walang gulong nangyayari ngayon...

At isa pa ay yung pagkakakulong ng papa ko... Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako... Pero tama lahat ng nangyari sa kanya... Sa kasamaang ginagawa niya yan... Sino nanaman kaya ang naloko niya ngayon? Siguro mayamang pamilya nanaman iyon at kaya ganoon ang nangyari... Hindi ko na talaga alam kung mapapatawad ko pa ang papa ko...

Basta ang mahalaga ngayon para sa akin... ay si Cindy...

[Jason's POV]

Ang gulo gulo na... Wala pa akong tulog simula kagabi. Bakit ba kasi? Hindi maalis sa isip ko yung sinasabi ni Kerwin na ako daw ang dahilan ng pagkakaospital ni Clarisse. Ano bang ginawa ko? Naguguluhan na talaga ako. Sana magising na si Clarisse. Para malaman ko talaga yung totoo... Ako ba talaga yung may kasalanan?

*Cellphone Ringtone*

Mama Calling... ha? Bakit tumatawag si mama. Minsan lang siya tumawag sa akin. Panigurado importante.

"Yes ma?"

"Jason, please don't leave until I come. May marriage interview ka ngayon at pupuntahan natin yung bahay nung family nung girl. Bye see you anak."

ha? Marriage interview nanaman? Hindi ba nagsasawa si mama? Lahat ata ng ininterview namin para magpakasal ay wala akong nagustuhan. Atsaka at that time may gusto pa ako kay Cindy kaya yun nalang yung naging palusot ko atsaka no choice ako kaysa naman ipakasal ako sa ayaw ko.

*KNOCK KNOCK*

"Anak!" si manang pala... Buti nalang at pwedeng umabsent ngayon. Pinayagan ako ni ate Elisa na umabsent para daw makapagpahinga ako tutal naman daw nagchampion kami sa DanSing competition.

"Pasok po." nakita kong may dala dalang breakfast si manang. Ang bait bait talaga nito. Siya na nga yung tumayong pangalawang magulang ko eh. Dahil hindi ko nga nakakasama si mama at papa dito sa bahay.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon