Chapter 18 *Weird Day*

357 6 0
                                    

Chapter 18

*Weird Day*

[Clarisse's POV]

Ano kayang nangyari kay Kerwin? Bigla nalang naging ganoon ang reaksyon niya. Kakausapin ko siya mamaya. Pero nakapagtataka talaga ang mga nangyayari. Ano bang meron?

Biglang tinawag ni ma'am si David. Napatingin ako sa lugar nila Candice. Nakita kong blanko ang ekspresyon ni Candice habang nagdadaldalan ang iba pang mga mean girls.

Pumunta si David sa unahan.

"Class, next week na ang exam natin, so kailangan nating magprepare kailangan lahat tayo makakuha ng mataas na score. Alam ko naman na hindi natin kayang biguin si Ma'am Elisa. So galingan natin."

"Ohh, naalala ko pala next month na ang Science Camp and Fair , ang pinakamasaya at pinakachallenging na competition para sa iba't ibang schools. Balita ko maraming sumaling school para makipag-compete. Maghahanda tayo after exams. Yun lang at goodluck satin!"

Oo nga pala next month na pala iyon. Gusto kong sumali kahit isa man lang sa competition, pero natatakot ako baka mapahiya at pagtawanan lang nila ako. Pero ita-try ko ang best ko.

*Bell rings*

Hayy...wala akong kasabay kumain ngayon. Wala si Cindy at wala din si Kerwin. At kaya wala si Kerwin kasi nang puntahan ko siya sa principal's office, may nakapagsabi sakin na umuwi daw ito dahil emergency nanaman "daw". Napakamisteryoso talaga nitong tao, kahit may mga bagay na siyang naikwento sa akin hindi ko pa din talaga kilala si Kerwin Vergara. Ang alam ko lang ngayon humahanga ako sa kanya dahil sa kabutihan ng loob niya at sa kagwapuhan niya.

[A/N: Ang harot Clarisse ha...]

Wag ka ngang kumontra author.

Ngayon nakaupo ako sa isa sa mga vacant seat sa cafeteria mag-isa.

"Hi Clarisse."

Kilala ko kung kaninong boses iyon. Tumingala ako

"David bakit?"

"Pwede bang maki-share ng table."

"Sure."

Kahit wala ako sasarili dahil sa dami ng nangyayari . Nagawa ko pa ding kausapin si David ng nakangiti.

"Clarisse okay ka lang ba?"

"Oo naman. Oppa ikaw, okay ka lang ba? Mukha kasing gusto mong matunaw si Candice sa kakatitig mo?"

Napansin ko kasi na hindi nawala ang tingin ni David kay Candice kahit kaninang umoorder palang siya.

"A-ahh.. Hindi. Wala yun."

"Oppa, may gusto ka kay Candice noh? Kasi kahit nung first day pa lang nakita ko na yang titig mo sa kanya parang may something."

Huminga si David ng malalim.

"Honestly, yes. Hindi ko gustong mahulog ang loob ko sa kanya kahit hindi ko pa siya lubusang nakikilala ang alam ko lang na gusto ko siyang baguhin at meron siyang hidden goodness na gusto kong mailabas niya."

"Oppa, mukhang determinado ka ha. Pero napakahirap niyang gagawin mo. Hindi mo pa kilala si Candice, siya yung babaeng napakaarte at napakamaldita. Ilang beses na niya akong pinahiya simula nang lumipat siya last year sa kalagitnaan ng school year halos naging impyerno ang buhay ko. Nagkaroon pa ng pagkakataon na isang linggo na hindi ako  nakapasok dahil sa kanya sa sobrang takot ko."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni David pero mabilis naman itong nawala.

"Kaya oppa mag-ingat ka. Binabalaan na din kita."

"Oo, alam ko Clarisse."

 

*Bell rings*

Nakakaboring ang araw na ito. Nakita ko na yung isa pa naming bagong kaklase ang leader ng isa sa mga notorious fraternities sa school, ang leader ng Alpha Teta, si Kevin Gonzales. Umupo siya sa upuan ni Cindy na nasa tabi ko. Wala itong kakibo-kibo parang patay na langaw. Naka-earphones lang ito buong klase tinititigan ko siya at wala lang siyang pakialam. Sinubukan kong sitahin siya.

"Mr. Gonzales, please take off your earphones. Mahiya ka naman kay ma’am."

Tumingin lang ito sakin at binalik ang earphone sa tenga. Hindi ko na siya pinansin.

Free time naming ngayon dahil nag-resign na yung teacher namin sa math subject, matanda na kasi at medyo hirap na magsalita kaya siguro nagpahinga na.

Gagawin ko nalang ang lahat ng makakaya ko para makapag-review kahit medyo maingay sa classroom. Tumabi sakin si David, kumuha siya ng upuan at nilagay iyon sa tabi ko.

"Clarisse, pwedeng humingi ng favor?"

"Ano yun?"

"Puwede mo ba akong tulungan para maghandle ng preparations para sa next month na competition?"

"U-uhhmmm"

"Sige na please."

"Oo na nga, napakahirap tanggihan ng napakaguwapong oppa tulad mo."

"Okay. Clarisse bukas ibibigay ko sayo yung mga gagawin mo. Thanks ha."

Bumalik na ito sa upuan niya.

*Bell rings*

Sa wakas uwian na pero ngayong araw ang community service namin. Kailangan ko ng magmadali para maaga akong maka-uwi. Papunta na ako sa club namin para kunin ang mga gamit ko na panglinis.

Laking gulat ko nang papunta na ako sa club namin may namukhaan akong kakilala ko.

Jason…

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon