Chapter 9
*Karma*
[Candice's POV]
Nandito ngayon ako sa kwarto ko... Hindi ako nakapasok ngayong araw. Nagsasakitan pa din ang buong katawan ko. Halos hindi pa din ako makapagsalita at makagalaw ngayon dahil sa nangyari... Halos wala akong mukhang maihaharap sa iba. Buti nalang at niligtas ako ni David.
*Flashback*
Papasok na ako ngayon. Naglalakad ako sa isang eskinita papunta sa school namin. Bakit pa kasi nasira yung kotse ni daddy eh. Dapat kasi yung kotse ko nalang yung ginamit ko at nagpa-drive kay manong.
Wala na akong nagawa kung hindi maglakad.
Halfday na nga ako... Male-late pa ako.
Ang baho baho sa lugar na ito. Kaya dito ako dumaan kasi ito lang ang alam kong daanan na mas mapapabilis akong makapunta sa school. Skwaters' area kasi ito at hindi ako sanay sa mga lugar na ganito.
Kanina ko pa gustong tawagan ang mga kaibigan ko para sunduin nila ako kaso lang hindi pa din dumadating ang load ko. Si daddy talaga... nakakainis bakit pa kasi hindi niya ako pinayagang mag-phone kahapon eh. Ito tuloy wala akong load...
"Ang putik naman dito. Ewww... Nakakadiri..."
Hindi sa pagiging maarte pero kung kayo ang nasa kalagayan ko tiyak na ganito din ang mararamdaman niyo.
Buti nakita ko na malapit na ang labasan sa eskinitang ito. Alam kong mayroong waiting shed doon at puwede akong umupo at hintayin dumating ang load ko para na din matawagan ko ang mga kaibigan ko.
May lumapit sa aking gusgusing bata.
"Ate pengeng pambili ng pagkain."
"Duhh... I think meron kang nanay para sustentuhan ka sa pagkain. Excuse me."
Dineretso ko na ang paglalakad ko at hindi ko na pinansin ang bata.
Pero makulit ito, sinundan pa din ako.
"Ate kahit konti lang po pambili lang ng pagkain."
"Sinabi ko ng may mga magulang ka para magpakain sayo!"
"Ate may sakit po ang nanay ko."
Naawa ako sa bata. Mukhang kailangan niya talaga at mukhang gutom na gutom na siya.
Binuksan ko ang shoulder bag ko. Hinanap ko ang wallet ko. Pero wala ito roon. Gosh... tiyak na naiwan ko ito sa kotse ng daddy ko. Oh my...
Bumaling ako sa bata.
"Pasensya kana boy, naiwan ko kasi ang wallet ko sa kotse ng daddy ko kaya hindi kita mabibigyan kahit gustuhin ko, pasensya ka na talaga."
"At please... huwag mo na akong sundan."
Tumakbo ang bata palayo. Diniretso ko na ang paglalakad ko para makalabas na ako sa mabahong eskinitang iyon.
Hay... buti nandito na ako. Medyo sira-sira na ang waiting shed. Puro kalawang at mukhang bibigay na ang upuan pero sinubukan ko pa ding umupo dito. Pagod na pagod na kasi ako.
*Cellphone's ringtone*
"Ohh... I think I got my load."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tingnan iyo. Tamang tama at dumating na din ang load ko.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...