Chapter 10 *Tragedy*

388 8 0
                                        

Chapter 10

*Tragedy*

[Clarisse's POV]

RIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!

"Umaga na naman. Hayy"

Unat - unat! Tumayo na ako sa higaan ko at dumiretso na sa banyo, ano pa nga ba ang gagawin? Balik sa dating gawain.

Ligo...

Kain...

Lakad...

Habang naglalakad ako:)) I wish this is my day :))

Pumasok na ko ng room as usual ano pa nga ba, dating gawi. Dumating ako na wala pa si Cindy ay syempre, kailan ba dumating ng maaga yun... Napansin kong parang ang aga ko ngayon???

Dumating na din si Cindy. Sa wakas, tinanong ko siya.

"Bakit ang tagal mo?"

"NagCR muna ako."

Sabagay kailan ba siya pumasok na hindi dumadaan sa CR. Hayy.... Naku!

Dahil sa paghihintay ko kay Kerwin. Ilang beses akong napansin ni Cindy na palinga-linga at may hinihintay. Sinabi ko sa kanya na si Kerwin ang hinihintay ko. Inasar pa nga ako nito.

Pero bakit kaya talaga hindi pumasok si Kerwin?...

Nagstart na yung klase namin... Bored ako, ewan ko kung bakit lahat ng tinuro sa amin ni ma'am labas pasok lang sa tenga ko hay!!

*Bell rings*

Sabay kami ni Cindy pumunta sa cafeteria. Pumunta kami sa isang vacant seat para umupo, umalis na ako para umorder ng makakain...

"Hoy! Bessy bakit ang dami mong binili?"

"Bakit may angal ka?"

"Bessy naman concern lang ako sayo! At saka bakit ang init ng ulo mo, may dalaw ka ba?"

"Bessy, sorry kasi naman eehh.. Ewan!"

Umupo na ako sa tabi ni Cindy.

"Hoy, bessy magdahan-dahan ka naman."

Paano ba naman kasi sinunggaban ko yung mga pagkain. Halos puno ng laman ng bibig ko subo pa rin ako ng subo, paano ba naman kasi baka hindi na umabot sa oras at baka hindi ko maubos itong mga binili ko.

2 carbonara "fave ko"

2 burger

2 Big fries

2L siomao

2 siopao

1 big lasagna

2 coke

[A/N: Take note may dessert pa yan]

2 sweet chocolate cake

2 sundae ice cream

1 tiramisu

Ohh! diba sinong di magkakaroon ng concern sakin sa dami ng binili ko parang buong tinda ng cafeteria nabili ko na at natikman, halos kada araw ba naman kasing makita ko fave ko, di ko talaga matigilan yun. Ohh diba, parang pang isang linggo na itong pagkain, sakin pang isang minuto lang.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon