Chapter 33 *Wrong Move*

253 5 0
  • Dedicated kay Joenella Garcia
                                    

Chapter 33

*Wrong Move*

[Cindy's POV]

Nagulat nalang akong may kamay na humila sa akin...

Kevin...

"Bakit?" 

"Cindy let's talk." 

"Para saan pa?" 

"Cindy, paghindi mo ito tinanggap. Hindi na ako aasa pa." tiningnan ko yung hawak niya. Nakita kong isang bracelet na nakalagay na "Saranghae". Ano pa bang gusto nitong palabasin? Namahal na niya ako? Niloko lang niya ako at gusto ko ng matapos ang lahat. Tumigil na yung bus at tumalikod na ako para sumakay.... Hindi ko na napigilang umiyak.

Ang sakit sakit pa din pala...

Bakit ganun ang sakit sakit? Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Tama ba tong ginagawa ko? Ewan ko... Naguguluhan na talaga ako. Papasok na ako ngayon sa school at hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon.

"Alam niyo ba nagkaroon ng riot ng mga fraternity dito kahapon?"

"Ha? Nakakatakot naman. Anong nangyari?"

"Meron daw isa na malubha yung kalagayan ngayon at nasa ospital."

"Ano ba kasi ang pinagmulan ng away na yan?"

"Hindi ko nga din alam eh. Pero sabi babae daw? Ewan ko."

Ano ba yan ang aga aga tsismisan lang ang naririnig ko. Nakakairita talaga. Actually wala pa akong tulog ngayon dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Ngayon ang bigayan ng report card namin at ang wish ko ay makapasok ako sa honor students ngayong taon. Buti nalang at matataas ang grades ko at paniguradong kasali ako ngayon.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom namin. Ang ingay ingay ng mga kaklase ko. Yan pa naman ang ikinabubuwisit ko.

"Magsitahimik nga kayo!" umayos sila ng upo. Pero narinig kong nagbulungan ang mga ito. Ano bang problema ng mga ito? Nakakairita na talaga ha.

"Bessy, may balita ka na ba?" anong balita ang pinagsasabi ni Clarisse?

"Balita saan?" Wala akong idea talaga sa sinasabi nito.

"Kay..." biglang pumasok si ma'am Elisa.

"Class let's start."

***

Wala akong kasama ngayong maglulunch dahil si Clarisse ay may practice kasama si Jason at kanina pa sila pinagpractice ni ma'am at hindi ko na nga nakausap si Clarisse eh. At si David naman inaayos yung Gymnasium katulong si Candice. Si Kerwin naman umuwi nanaman, para talagang bula iyon at biglang maglalaho nalang. Hay.;.. Nandito na pala ako sa canteen.

Umorder na ako at nilapag ko na iyon sa table na inooccupy ko. Ang dami nanamang tao dito. Well, nakakatamad lang kasi mamaya pa ang bigayan ng card at hindi na talaga ako makapaghintay. At wala pa talaga akong kasama ngayon. Nagulat naman ako ng biglang may humawak ng braso ko. Sino naman kaya ito? Nakita kong nakacivilian ito. Bawal ito dahil daily uniform dapat ngayon. Pero ikinigulat ko kung sino yung humawak sa akin. Si Renz ng Android Omega at may malaking black eye ito at parang galing pa sa bugbugan.

"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.

"Ahh Cindy... May nagpapabigay pala." iniabot niya sakin yung isang sulat. Ano ba ito? Makaluma. Diba pwedeng itext nalang.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon