Chapter 31 *Bonding*

287 5 2
  • Dedicated kay Jhelin Sapinoso
                                    

Chapter 31

*Bonding*

 

[Clarisse's POV]

Hindi pa din ako makapaniwalang si Candice pala yung ex girlfriend ni Kerwin. Bakit siya pa? Ang dami dami namang mas maganda at mas mabait kaysa sa kanya. At ano naman kayang nagustuhan ni Kerwin doon sa babaeng iyon? Hayy... ewan. Siguro siya yung gustong makalimutan ni Kerwin. Ano kayang ginawa ng babaeng ito sa crush ko? Tatanungin ko nalang si Kerwin sa Monday.

Buti mamaya pa ang practice ko... At buti nalang tinext ako ni Cindy. Magshopping muna daw kami. Yes! Makakapagbonding nanaman kami ng bessy ko. Masaya ito.

"Ma, kakain na po." oo handa  na ang pagkain. Syempre ako nanaman ang gagawa ng lahat.

"Ahh sige nak. Pabababain ko na yung mga kapatid mo." narinig kong umakyat si mama sa taas. Hayy... ang daming gawain buti nalang at kayang kaya ko itong lahat.

***

Ang saya nanaman ng kainan naming pamilya. Tawanan at kulitan lang ang ginawa namin. Ito talagang bahay namin punong puno ng pagmamahal. Sana palaging ganito nalang...

*Tok* Tok*

"Ayy butete." juskoo naman! Sino ba kasi itong nambubulabog ang aga aga. Muntik ko na tuloy mabasag itong plato. Peste naman...

"Anak may bisita ka." ha? Bisita sino naman iyon? Atsaka hindi man lang nagpasabi. Baka si Cindy.

"Ahh sige ma, matatapos na ako dito." buti nalang at konti lang ang hinuhugasan ko. At natapos na din ako. Sino kaya iyon? Nang makarating na ako dun sa may sala. Nakita ko ang nagpakulo sa ulo ko! Bakit nandito ang pesteng ito? Kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko.

"Hi Clarisse!" wow! Sige ngumiti ka pa ng nakakaloko. Bahay namin ito at baka maihampas ko ang upuan sayo.

"Ohh, bakit ka nandito?" tinarayan ko siya. Wala naman akong sinabing pumunta siya sa bahay namin ahh.. Atsaka paano nito nalaman ang address namin. Sabagay classmate ko na siya simula second year at panigurado alam niya talaga.

"Para makita ka." makita ako? Eh ako nga ayokong makita siya eh. Papaalisin ko na ito dahil may lakad pa ako. At baka dumating na din si Cindy maya maya.

"Umalis kana. Magkita nalang tayo sa school para sa practice." tapos dapat iiwan ko na siya pero bigla siyang nagsalita.

"Hindi ako aalis." ha? Ano bang problema nito? Naiirita na talaga ako. Nakita ko si mama may dalang pagkain.Wow? May gana pa talagang patuluyin at pakainin dito ang pesteng yan.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon