Chapter 34 *2PM*

278 5 0
  • Dedicated kay Abhigaile Baldon
                                    

Chapter 34

*2PM*

[Clarisse's POV]

OMG! Anong gagawin ko? Magkikita ang dalawang ito. Lagot. Panigurado magtatanong ng kung ano anu si Jason. Issue pa ito eh. Wrong timing nakakainis. Nakita kong pababa na si Kerwin. Nakita ko naman si Jason na gulat na gulat yung mukha. Pagbaba ni Kerwin nagbago yung emosyon ni Jason parang galit. Ano ba ito?!!!

"Bakit nandito ka?" sabay nilang tanong. OMG!

"Wait wait wait. Papaliwanag ko ang lahat. Okay. Umupo muna nga tayo." umupo naman yung dalawa ako yung nasa gitna. Baka magkainitan itong dalawang ito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

"Clarisse bat nandito yan? Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Jason. Siguro siya na yung una kong sagutin sa tanong.

"Ah kasi. Kagabi naglasing siya dun sa pinagtatrabahuhan ko. Kaya kaysa naman patulugin siya sa labas edi dinala ko nalang siya dito sa bahay namin. Kahit papaano naawa din naman ako noh. Atsaka kaibigan ko din itong si Kerwin." parang inis yung pinakita ni Jason. Bakit naman siya maiinis? Tumulong lang naman ako.

"Eh yan, bakit nandito yan?" tumingin naman ako kay Kerwin.

"Wala gusto lang mambuwisit." parang natulala lang si Kerwin.

"Hindi ah. Na-miss lang talaga kita." peste! Bakit ba niya yan sinasabi sa harapan ni Kerwin. Nakakairita talaga! Isip isip....

"Ang galing mo talagang magpatawa noh? Umuwi ka na nga." pinandilatan ko siya ng mata.

"Ayaw." sabay nagpa-cute pa ito. Naiirita na talaga ako.

"Sige na. Umuwi ka na. Ang aga aga nambubuwisit ka nanaman dito."

"Oo nga bro. Uwi na, ayaw ka naman pala ni Clarisse na nandito eh." nagulat naman ako sa sinabi ni Kerwin.

"Wala akong pake. Bakit hindi ikaw ang umuwi. Lakas ng loob mong makitulog dito ha." biglang parang nagalit yung ekspresyon sa mukha ni Kerwin. Tumayo ito. OMG! Baka magaway itong dalawa dito.

"Jinjeonghaseyo." yun nalang yung paraan ko para mapatigil sila. Tumingin naman sila sa akin. At parang naguguluhan.

"Sabi ko, kalma lang. Okay?"

"Kumain muna kayong tatlo." nakita ko naman si mama. Tapos na pala siyang magluto ng almusal. Buti nalang at makakahinga ako ng konti kahit papaano.

"Tara na." sumunod naman yung dalawa sa akin. Ano ba ito? Ang awkward lang kasi parang may something dito sa dalawang ito. Nagkakainitan bigla. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Ang weird...

Umupo na kami. Ako yung nasa gitna at magkaharap si Jason at Kerwin. Lumapit naman si mama at dala dala niya yung pagkain.

"Wow ma. Ang sarap nito ah." pero dahil nagdidiet ako konti lang ang kakainin ko. Magjojogging pa pala ako ngayon.

"Wag na kayong mahiya ha. Kain lang ng kain."

"Ahh sige po. Salamat nga po pala sa pagpapatuloy niyo sa akin dito." nakita ko naman yung sincerity sa mata ni Kerwin. Ang bait bait talaga nito.

"Wag ka saking magpasalamat kay Clarisse. Kagabi na nga nasukahan mo pa yan eh. Haha!" may pagkabaliw din itong si mama eh. Parang nahiya tuloy si Kerwin.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon