Chapter 12 *Remember*

402 7 3
                                    

Chapter 12

*Remember*

[Jason's POV]

Dali-dali akong tumakbo, narinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Taba kaso di ko siya pinansin...

Agad akong pumunta sa room at kinuha ang aking bag at dali dali din akong bumaba kaso kailangan ko pang dumaan sa locker para ilagay ang aking gamit.

Nang nailagay ko na, isasarado ko na ang pinto ng locker ng nagulat ako akala ko kung sino, si Candice pala...

"Hoy! Bakit parang nagmamadali ka may nakita ka bang di kanais-nais."

Oo, ikaw.

"Ahh!!! Wala, bakit? May kailangan ba akong makita na di kanais-nais?"

"Ehh! kung wala, E! Bakit ka humahangos na tumatakbo?"

"Haaa??! Anong tumatakbo, di ah... Nga pala maiba tayo, bakit niyo kinulong si taba sa bodega?"

Maiba lang, mamaya di ako titigilan neto eh.

"Eh! tatanga-tanga, di tumitingin sa dinadaanan ang laki ng daan eh!"

Bakit parang iba ang sinasabi nito?

Sino ba ang nagsasabi ng totoo?

"Ehh! Kung nabangga ka niya, bakit sa bodega nito pa kailangang bigyan ng leksyon di ba kayo nakonsensya? Mamaya kung anong nangyari diyan, may atraso pa kayo!"

Totoo naman eh! Sa totoo lang tama ba ang mga sinasabi ko? Parang pinoprotektahan ko pa si taba baka ano pa ang sabihin nito pero, kwawa naman talaga.

(A/N: Uuyyy! May concern tama ba yan! HaHaHa!)

Epal si author...

"Tama lang naman ang ginawa namin sa kanya aahh, pakialam namin, at saka maiba nga tayo parang ang weird mo ata at concern ka pa sa kanya?!"

Patay ito na nga ba ang sinasabi ko ehh! isip isip, Brainstorm..

"Ahhh! wala lang kawawa naman kasi atsaka kung may mangyari din sayo at ikulong ka din sa bodega tulad ng ginawa mo kay taba, sige nga sino ang magtatanggol sayo?"

Hahaha! Evil Idea...

"Uuuyyy! may concern, ikaw talaga sabihin mo na kasi type mo din ako."

Hahawakan sana niya ako sa braso nang biglang sumulpot sila taba at ang kanyang bestfriend, tamang-tama, escape!

Si Candice tiningnan lang sila kasi nakita niya akong nakatingin sa kanila...

[Candice's POV]

Habang pababa na ako galing room para umuwi, naalala ko pa rin yung mga nangyari kahapon.Maraming salamat talaga kay David. Kung hindi sa kanya siguro napahamak na ako. Pero hindi ko alam kung paano siya mapapasalamatan.

Nagkasalubong kami kanina. Pero hindi ko man lang siya nginitian o binati. Napakasama ko naman. Siya na nga ang nagmagandang loob ako pa ang gumagawa ng masama.

Siguro one of these days kakausapin ko siya o kaya i-titreat ko nalang siya.

Naalala ko din kung bakit nalagyan ko ng "mwuah" ang note ko para sa kanya. Ang weird ko, hindi ko alam siguro, talagang nadala lang ako sa pagliligtas niya sakin. And yes, he is my hero for that day.

Nakita ko si Jason na tumatakbo hinahanap ko kasi siya kanina pa, kasi nagtataka ako kung bakit siya umalis nung pagdating namim, nainis ako kung bakit umalis siya di niya ba ako namimiss ito talagang lalaking toh, pakipot pa, pa hard to get pa.

Parang ang tagal niya atang dumating di pa rin siya dumadating, bumaba kami ng mga kaibigan ko at pumunta kami sa garden.

"Dice, punta tayo sa mall, jamming tayo?"

"Ahh! ayoko gusto kong hanapin si Jason."

"Ikaw talaga, sige hanapin mo na baka may iba ng kasama yun."

Umalis na sila

Habang naglalakad ako nakita ko si Jason na tumatakbo hinabol ko siya at nkita kong may nilagay lang naman siya sa locker niya.

Gulatin ko nga.

[Jason's POV]

Umuwi na ako, pagkatapos ng nangyari sa locker, buti nakaescape ako sa makulit na Candice na yun.

Habang inii-start ko na yung engine at pinaandar, naiisip ko kung bakit ako nag-aalala, wala naman dapat aong ipagalala bakit kasi ganto ang nararamdaman ko ibang iba! Sabagay first time ko lang kasi magsabi ng napapansin ko sa isang babae pa! Pero okay lang yun para ma-realize niya kung ano ang mga dapat niyang baguhin sa sarili niya.

Forget it! Pero bakit lumabas sa bibig ko yung mga words na yun, di naman dapat na masabi, Ehhh! ayoko na back to normal nalang, para wala siyang mapansin, na kung anu-ano.

Weird...

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon